Mahigpit ang pagkakahawak ni Monica sa Basag na bote at bagamat kapansin pansin ang panginginig ng kanyang katawan ay kakikitaan parin siya ng determinasyon na ipag-tanggol ang kanyang sarili. " Please Monica throw that thing,I promise that I won't hurt you at para maniwala ka..." tila nagbalik sa normal ang pananalita ni Angelica at nagawa niyang ihagis ang hawak niyang patalim,malapit sa paanan ni Monica. " Maaari mong kunin yan at ibaon sa katawan ko kung gusto mo Monica,wala naring saysay ang buhay ko kung tuluyan karing mawawala sa piling ko " ma-emosyonal na sabi ni Angelica.Tinignan din iyon ni Monica pero hindi niya ito dinampot at sa halip ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kanyang tanging sandata ,iniisip niyang tuso ang kanyang kaharap na demonyo at ang laha

