"Hala?! Sandali lang naman kung makakatok parang walang bukas!" sigaw ko dahil may kumakatok sa pintuan ng bahay ko.
Anong oras na bakit may kumakatok pa sa ganitong oras ng gabi? Pero hindi pa naman din ako natutulog dahil nag-aaral ako para sa next topic na sasabihin ni Mr. Rome. Isa pa, kailangan ko din atang tumungo sa greece dahil may gaganapin na pagpupulong at kailangan din ako doon. Magbibigay na lang ako ng excuse letter kay Mr. Rome para payagan niya akong lumiban. O siguro bigyan na lang niya ako ng gagawin ko para pagbalik ay maipapasa ko na lang.
Nang pagbukas ko ng pintuan ay iyon na lang ang paglaki ng mata ko dahil sa tatlong lalaki na nandito sa harap ko. Hala? Duguan sila.
"Bakit ganyan ang mga itsura ninyo?" turo ko kay Yuhence, Kaizen at Apollo. "Bakit mga duguan kayo?"
"Pwedeng dito muna kaming tatlo cous?" sabi ni Apollo at pumasok na sila sa loob.
Bakit sila dito tumungo sa bahay ko at hindi sa hospital?
"Bakit nga kayo duguan at puro pasa ang mga mukha ninyo?"
"Dugo ito ng kaibigan namin," sabi ni Kaizen at nanlaki ang mata ko.
"Hala? Anong ginawa ninyo sa kaibigan n'yo? Pinatay ninyo? Tapos dito kayo magtatago?! What if hulihin din ako ng pulis?! Kasi may tinatago akong kriminal?!" pasinghal kong tanong at natawa si Kaizen.
"N-No cous... is not like that. Dinukot kasi ang kaibigan naming babae. At niligtas namin siya pati ang lolo niya, kaso sinagasaan siya pero ang lolo niya ay namatay na," paliwanag ni Apollo pero agad din napayuko.
"Grabe mag-isip ang pinsan mo Apollo. Ang lawak ng imahinasyon. Hahaha!" sabi ni Kaizen sabay tawa.
Napanguso ako. Malawak ba ang imahinasyon ko?!
Pero nakaramdam ako ng awa para sa babaeng tinutukoy nila. Mga demonyo sila at mga walang puso para gawin iyon sa kaibigan nilang babae pati sa lolo niya. Napatingin ako kay Yuhence na deretsong nakatingin din sa akin ngunit agad din akong nag-iwas.
"Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga eh," sabi ni Kaizen sabay tawa. Kahit kailan may tililing ka sa utak.
"Kukuha lang ako ng first aid kit at pagkatapos ko kayong gamutan ipagluluto ko kayo," ani ko.
"Do you know how to cook?" tanong sa akin ni Apollo.
"Oo... sa pananatili ko dito sa Maynila ay inaaral kong lutuin ang mga filipino foods."
"Is that so? Yuhence samahan mo si Amethyst na magluto," baling ni Apollo kay Yuhence.
"Nako Apollo. I can handle this. Besides, mga sugatan kayo a-at pagod."
"No it's okay Amethyst," sabi ni Yuhence. "Hindi naman ako napuruhan kaya i will help you."
"I-Ikaw ang bahala," nauutal na sagot ko at tumungo na sa banyo upang kunin ang first aid kit na nasa likod ng salamin.
Bumalik muli ako sa sala at naabutan ko silang nagk-kwentuhan tungkol sa nangyari kanina sa kanila. Medyo hindi ko nga maintindihan ang sinasabi nila tungkol sa kinekwento nila.
"G-Gagamutin ko muna kayo," pagpuputol ko sa kwentuhan nila.
"Hahaha. Nako Amethyst wag mo na ako gamutin kasi sisiw lang ang mga pasa ko. Malayo sa paa!" natatawang sabi ni Kaizen at binatukan siya ni Apollo. "Aray na naman Apollo!"
"Malayo sa bituka hindi sa paa!"
"Bakit kailangan mamatok?! Kailangan mamatok? Batukan ba 'tong ulo ko?! Batukan ko utak mo eh!" sigaw ni Kaizen. "Ano ba ang mas malayo? Paa o bituka?!"
"P-Paa," sagot ni Apollo at siya naman ang binatukan ni Kaizen. "King ina naman!"
"Oh diba?! Ang bobo mo. Alam mo namang pala yung paa ang mas malayo pero binatukan mo ako! Ulol!"
"Bawal nga sabing profanity dito eh," inis na sabi ko at nag-peace sign silang pareho. "Gamutin muna kita cous."
"Si Yuhence muna ang gamutin mo. Pupunta lang kami ni Kaizen sa convenience store," ani ni Apollo.
Kumunot ang noo ko. "Na ganyan ang itsura ninyo?"
"Oo naman. Gwapo pa din naman kami ah kaya marami pa din mahuhumaling," nakangising sabi ni Kaizen sabay kindat sa akin.
"Bibili lang kami ng drink. Sandali lang kami. Gaja sonyeon," tapik ni Apollo sa balikat ni Kaizen.
"May ipapasabay ka ba Amethyst?"
"Ah, chocolate na lang tapos ice cream," mabilis kong sagot at tumango si Kaizen.
Pareho na silang lumabas ng pintuan at narinig ko pa ang kanilang sasakyam na umandar papalayo. Tsaka ko tinignan si Yuhence na kasalukuyan na nakatingin sa akin ng deretso. Napalunok ako at umupo na din sa sofa. Puso, kalma. Kalma.
"G-Gagamutin na kita ah?" tanong ko pa at ngumisi lang siya.
Si Yuhence na din ang kusang lumapit sa akin para magamot ko ng ayos ang kanyang mukha. Kumuha na ako ng cotton ball pati ng alcohol. At nanginginig kong dinampi iyon sa pisngi ni Yuhence. Mas lalo akong nailang dahil titig na titig siya sa mukha ko kaya napapalunok ako lagi.
"Ilang beses ko na itong sasabihin na ang ganda mo?" hindi ko inaasahan na magsasalita si Yuhence.
"H-Hindi ko alam."
"Maraming beses na ata."
"G-Ganun ba?"
"Why are you nervous?"
"Hala?"
"Hala," gaya din niya sa sinabi ko. "Kinakabahan ka ba?"
"I-I'm not nervous."
Ngumisi siya. "Really Ms. Innocent?"
"Amethyst ang pangalan ko," pagtatama ko sa sinasabi niya. Hindi nagtatama ang paningin namin pareho dahil nakatutok ang mata ko sa pisngi niya pero nakikita ko din na tinititigan niya ako.
"Baby then."
"Amethyst nga kasi," sagot ko pa sabay sinalubong ang mga mata niya. Pero hindi ko naman din inaasahan na bababa ang tingin niya sa mga labi ko.
"May humalik na ba sa mga labi mo?"
Kumunot ang noo ko. "Mga labi? Bakit? Ilan ba ang labi ko para sabihin mong mga labi?"
Napanganga siya sa sinabi ko at ako naman ay napalunok. Mali ba ang tanong ko? Eh totoo naman kasi. Iisa lang ang labi ko pero grabe siya maka-mga.
"I-I mean may humalik na ba sa labi mo?" pagdidiin niya sa sinabi niya.
"Ang bastos ng tanong mo."
"Part of your innocence, ha? Hindi bastos yon."
"Ang alam ko sa dalawang magkasintahan lang iyon ginagawa o sa dalawang taong ikinakasal," sabi ko at sunod ko naman ginamot ay ang kanyang mga labing mapula.
"What if hinalikan kita?" sabi niya at sabay tingin ulit sa mga labi ko. "What will you do?"
"Kung sakaling halikan mo ako may tear gas ako. Pwede ko iyon gamitin sayo," sagot ko at ngumisi siya.
"Where's your tear gas then?"
"Nasa bag ko... wait lang kuku—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko na bigla niyang hawakan ang dalawa kong pisngi at sabay sakop sa mga labi ko.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Yuhence dahil sa paghalik sa mga labi. Hindi ko iyon inaasahan at mas lalong hindk ko iyon gusto. Dahil una ay first kiss ko iyon, pangalawa ay hindi ko alam kung paano gawin o paano igalaw ang labi ko sa labi niya. Pero saglit niya lang sinimsim ang aking mga labi at siya na din ang kusang kumalas sa pagkakahalik. F-First kiss ko?
Napahawak ako sa labi ko at sabay napatingin kay Yuhence. "M-May gusto ka ba sa akin?"
"Why did you ask?"
"Bakit mo ako hinalikan? May gusto ka ba sa akin?"
"Nakaw na halik lang yon."
"N-Nakaw na halik?! Pwede ba yong nakawin?" gulat na tanong ko at ngumisi. "Give it back my first kiss then!"
"Hey, hey. I already did so i can't give it back to you."
"But that's my first kiss!" hampas ko sa braso niya. "You can't take it from me so give it back!"
"But i—"
"Gusto mo bang ako ang kumuha sayo?!" inis na sabi ko at napalunok.
"Paano mo siya makukuha pabalik sayo?"
"Katulad ng ginawa mo!"
"W-Wait... you will kiss me again just to get your first kiss to me?!" gulat na tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin. "Oo. Ninakaw mo ang halik ko kaya babawiin ko ito sayo."
"Tss. Cute," nakangiting niyang tugon at napanguso ako. Kailan pa naging cute ang paghalik sa akin?
"Magnanakaw ka."
"Thief ha?"
"O-Oo. Nung una ninakaw mo bubble tea ko ngayon ninakaw mo first kiss ko. Siguro pangarap mo talaga maging snatcher 'no? Magnanakaw ka."
"The f**k?!"
"Hep!" duro sa bibig niya. "Sabing ayoko ng profanity eh!"
"Kiss me then."
"H-Ha?" gulat na anas ko.
"Ha?" gaya niya din sa sinabi ko. "Kapag may nasabi akong cussing hahalikan mo ako."
"P-Pwede ba yon?"
"Punishment then. That's what you called punishment."
"Pag nagmura ka hahalikan kita at iyon ang paraan ng punishment na gagawin ko sayo?"
"Yeah," ani niya at ngumisi.
"A-Ayoko."
"Why?"
"Hindi naman kita boyfriend o asawa kaya bakit kita hahalikan? Ayoko naman maging magnanakaw kagaya mo kasi pangarap ko maging doctor," nakangusong sagot ko.
"I mean, hindi ko sinabing gagayahin mo ako as a thief. Kiss me when you hear me say bad words or profanity," paglilinaw niya at napatango ako.
Kailangan ko ba talagang gawin iyon sa tuwing magsasabi siya ng bad words? Kaso bastos pa din ang paghalik sa isang tao. Ayoko ng mga bastos dahil hindi iyon tinuro sa akin ng magulang ko.
"Ayoko naman gawin iyon kasi hindi naman iyon tinuro sa akin ng magulang ko. I follow what they rules."
"Rules ha? What kind of rules?"
"Private," nakangiting sabi ko at ngumisi si Yuhence. "Parte ng kabastusan ang paghalik sa isang tao. Lalo na kung hindi mo naman ito gusto."
"Is that so?"
"Oo," ani ko at narinig kong tumunog ang telepono malapit sa pintuan papalabas ng bahay ko. "Sandali lang Yuhence."
"Yeah. Take your time," sagot niya.
Tumayo ako at tumungo sa telepono na kanina pang tumutunog. Nang marinig ko kung kaninong boses iyon ay agad akong napangiti.
"Dad," nakangiting sabi ko.
"How are you, i prinkípissa mou?"
"I'm fine, Megaleiótate."
"Amethyst? How many times do i have to tell that don't call me Megaleiótate."
Napabungisngis ako ng tawa. "I'm sorry dad i didn't mean to call you Megaleiótate. Bakit po kayo napatawag?"
"Para sabihing umuwi ka muna dito sa Greece dahil may darating na malalaking tao mula sa iba't-ibang bansa."
"Iyon na nga po ang naisip ko kani-kanina lang dad. Pero maaari ba na pagkatapos ng pagpupulong ay uuwi agad ako dito sa Maynila? Hindi ako maaaring magtagal dyan sa Greece dahil nagt-take ako ng course ko."
"I understand, my daughter. Bukas na bukas din ay pumarito ka na dito."
"Okay dad. I love you."
"I love you too, my princess. Take care."
"Kayo din po. Tell mom i miss her."
"Makakarating," sagot pa ni dad at pinutol niya na ang linya.
Napabuga ako ng hangin. Hanggang kailan kaya ako magtatagal doon? Isang linggo ay pwede na akong manatili doon sa Greece. Sasabihan ko na lang si Apollo para aware siya na umalis ako at tumungo sa Greece. Kailan ko ulit siya makakasama with his family?
Muli akong tumungo sa sala pero wala na doon si Yuhence. Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina kaya agad akong pumaroon. Nasilayan ko si Yuhence na nagluluto kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Dapat hinintay mo ako para matulungan kita," sagot ko.
"I can't wait 'cause I am so hungry na."
"Hala? Buti hindi ka namatay sa gutom?"
"The heck?" gulat na anas ni Yuhence at sabay tingin sa akin. "Gusto mo na agad akong mamatay?"
"H-Hindi naman sa ganon s-sabi mo kasi nagugutom ka na ng sobra kaya buti hindi ka namatay?"
"J-Just stop talking nonsense Amethyst."
"Hala? Nonsense ba yon?" nakangusong sabi ko pero hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa pagluluto ng? "Hala? Favorite ko yan Yuhence. Adobo!"
"Para sa amin lang itong tatlo."
Napanguso ako. "Ang damot mo!"
Kinabukasan ay nagising ako ng alas-tres ng madaling araw. Yung tatlo naman kagabi ay nag-inom pero ako? Kumain lang ako at agad din natulog. Sila Apollo at Kaize ay nahuli ng uwi dahil hinarang daw sila ng mga pulis para makasigurado na wala silang ginawa na masama kaya tumungo ulit sila sa hospital daw. Ngayon naman ay tutungo ako sa guest room upang sabihin kay Apollo na babalik ako sa Greece.
"Apollo?" yugyog ko sa kanya. "Apollo wake up?"
"W-What?" ungol niya at tinignan ako. "Bakit ka nakabihis Amethyst?"
"Ah, tumawag kasi sa akin si daddy kailangan ako sa Greece dahil may pagpupulong na gaganapin sa Interior."
"Is that so?"
"Oo. Kaya ikaw muna ang bahala sa bahay ko alam mo naman yung extra key ko diba? Kung gusto mong matulog dito bahala ka na."
"Ihahatid na kita sa airport," presinta niya pero pinigilan ko siya.
"May sundo na ako Apollo at naghihintay na sa labas. Ikaw ng bahala dito?"
"Babalik ka pa?"
"Oo naman," ani ko at yinakap niya.
"Balik ka ah?"
"Hahaha. Oo babalik ako. Sige na baka mahuli ako sa flight ko."
"Yeah. Take care cous," nakangiti niyang tugon.
"Ikaw na lang magsabi kay kawal ah?"
"Kawal?"
"Si Yuhence. Siya yung sinasabi ko sayo na kaibigan ko na mine-meet ko sa MOA," nakangiti kong sagot at sumeryoso siya.
"Pagbalik mo mag-uusap tayo tungkol sa kanya."
Hala? Ang seryoso naman ng pinsan ko. Bakit kaya?
"Sige," sabi ko at muli siyang yinakap.
Tumungo na ako sa airport at lumipad na ang private plane na magsusundo sa akin. Mas gusto kong sumakay sa pampasaherong eroplano kaysa sa private plane namin na may simbolo kung ano ang katayuan ko.
"Megaleiótate," sabi ko nang makarating ako sa aming tahanan.
Sinalubong ako ng magulang ko kaya agad akong yumuko. Ngumiti sila sa akin pareho at ngumiti din ako.
"Kamusta po kayo?" tanong ko sa aming lenggwahe na greek language.
"Ayos lang kami. Mabuti naman at nakarating kang ligtas dito," ani ng aking ina.
"Mabuti nga po eh."
"Medyo matatagalan ang pananatili mo dito sa Interior."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinab ni daddy sa akin. Para saan?
"Para saan po ba ang pagpupulong para matagalan ang pananatili ko dito?"
"Mahalagang pagpupulong ito na hindi mo dapat isawalang bahala," sagot naman ng aking ama.
"G-Ganun po ba, Megaleiótate?" nag-aalinlangang tugon ko at napalunok. "Paano po ang course ko?"
"Pwede mo naman tapusin ang four years medicine dito sa Greece Amethyst. Pwede ka namin ipasok sa University Of Patras," nakangiting sabi ni mommy. "Dahil alam naman namin na gusto mo mag medisina kaya hindi ka namin hihigpitan."
"Pero ayoko po maging highprofile."
"Kilala ka sa buong Greece, Amethyst," sagot ni daddy. "Wag kang mag-alala. Pag naka-graduate ka ng medisina ay pwede akong magpatayo ng sarili mong klinika sa pilipinas."
"Talaga po?"
"Oo naman," sabay nilang sagot.
Kung wala lang kami sa labas ng tahanan namin ay kanina ko pa sila yinakap dahil sa kanilang sinabi. Ang swerte ko. Pero palaisipan pa din sa akin kung ano ang ang mahalagang pagpupulong? Kinakabahan ako.
"Megaleiótate," tawag ng isang matandang namumun sa mga katulong.
Lumipas ang mga araw at buwan sa pananatili ko dito sa Greece ay pag walang mahalagang gagawin ay pumapasok ako sa University. Pero agad din naman akong sinusundo ng driver namin.
"Nandito na po mismo ang pamilyang Demolious kasama ang kanilang anak na si Prínkipas Azi."
Agad kaming napatayo ng magulang ko upang salubungin ang mga bisita na dumating. Nang mapalapit kami sa harap nila ay agad akong yumuko upang magbigay ng galang.
"Siya na ba ang anak mo Amynkor?"
"Siya na nga," sagot ng aking ama.
Napatingin ako sa lalaking nakatingin din sa akin. At pareho kaming yumuko sa isa't-isa.
"Pwede po ba kaming mag-usap ng iyong anak Megaleiótate," magalang na sabi ni Azi.
"Pwede naman. Bumalik na lang kayo dito sa loob kapag pinatawag na namin kayo," sagot ni mommy.
Bakit kami mag-uusap? Ngayon pa lang kami nagkita netong Azi na ito.
Nakarating kaming dalawa sa garden at umupo kami pareho sa mesang naroon. Palinga-linga ako sa paligid kaya napatingin din si Azi sa paligid.
"Sino hinahanap mo?" tanong ni Azi gamit ang aming lenggwahe.
"A-Ah. Wala," sagot ko at tinignan siya. "Ano nga pala ang pag-uusapan natin?"
"I love someone else," deretso niya agad na sabi.
"A-Ano naman kinalaman ko kung may mahal kang iba?" naguguluhang tanong ko.
"Look, listen. Kailangan hindi matuloy ang kasal nating dalawa."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Azi. "Tayong dalawa? Ikakasal?! Eh hindi naman kita mahal bakit kailangan tayong ipakasal?"
"So me. Kaya kailangan natin gumaww ng paraan upang hindi matuloy na ipagkasundo tayo sa isa't-isa. Look, I love someone else and I can't lose her," seryosong sabi ni Azi. "So? Gusto mo bang matuloy ito hindi?"
"A-Ayoko! Wala akong alam sa mga ganyan kaya ayokong maikasal sayo."
"Good. So kailangan natin gumawa ng paraan upang iurong nila ang gagawin nila sa ating dalawa."
Eto ba ang sinasabi nilang mahalagang pagpupulong? Ang ipagkasundo ako sa lalaking hindi ko naman kilala? Ayoko naman maikasal ng maaga at mas lalong ayokong magmahal ng lalaki. K-Kasi hindi ko alam kung paano ang magmahal ng lalaki. Hindi ko naman sya gusto kaya ayoko.
To be continued. . .