Kinabukasan, maagang gumising si Jhe. Alas singko y medya palang ng madaling araw ay gising na siya.
Pagkabangon niya ng higaan ay agad siyang nagtungo ng kanilang kusina. Dala niya ang kanyang
cellphone. Saglit na nag-type ng mensahe para ipadala sa taong minamahal na niya ngayon. Kay Ynno
Villamar.
“Good morning, asawa ko!” iyun ang mensaheng ini-send ni Jhe para kay Ynno. Ilang saglit ang lumipas
ngunit walang mensaheng natanggap si Jhe mula kay Ynno. Nagkape na muna siya saglit para kapag
natapos siya dito ay makakapaligo na rin siya.
Natapos na si Jhe sa paliligo hanggang sa makapagbihis na siya para sa pagpasok niya sa kanyang
trabaho ay wala pa rin siyang natatangggap na mensahe mula sa kanyang asawang si Ynno.
“Kumusta na kaya siya? Gising ka na ba asawa ko?” ang bulong ni Jhe sa kanya habang inihahanda ang
sarili para pumasok sa trabaho.
Muling nag-chat si Jhe para kay Ynno. Ang mensaheng kanyang ipinadala ay mula sa kaibuturan ng
kanyang puso. Simula ngayon ay asawa na ang kanilang tawagan. Wala siyang pakialam kung anuman
ang sabihin ng makakarinig nito sa kanila kung ito man ang kanilang tawagan.
“Asawang Ynno,
Pasensya ka na kung nadisturbo ko ang iyung pagtulog.
Maaga kasi akong papasok ngayon.
Chat tayo mamaya pag-uwi ko
. Mahal na mahal kita asawa ko.”
-Asawang Jhe.
Ito ang mensaheng ipinadala muli ni Jhe para kay Ynno. At kapagdakay umalis na siya para pumasok.
Masaya niyang binagtas ang daan kung saan siya nagtatrabaho. Kakaibang ngiti ang nakasilay sa
matatamis na labing iyun ni Jherone. Ngiting sanay hindi na magwawakas pa. Ngiting tila ba wala na
sanang katapusan. Mga ngiting kababakasan ng wagas na pag-ibig para sa itinatangi ng kanyang puso.
Pasado alas otso ng umaga ng araw ding iyun nagising si Ynno. Agad niyang tiningnan ang kanyang
cellphone. Sumilay sa kanyang mga labi ang tamis ng ngiti at galak na nadarama ng kanyang puso.
Unang mensahe kasi ni Jherone ang kanyang nabasa. At ang mas lalong nakapagpangiti sa kanya ay ang
mismong mabasa niya ng tawagin siyang asawa ni Jhe. Kahit nabasa lamang niya iyun mula sa chat ni
Jhe para sa kanya ay mag-asawa na talaga sila sa tunay na buhay. Iyun ang pinanghahawakan ngayon ni
Ynno bilang karelasyon niya si Jherone.
“Asawang Jhe,
Pasensya ka na rin asawa ko kung late ang reply ko.
Mag-ingat ka palagi. Kumain ka on time.
Huwag kang magpapalipas ng pagkain.
Mahal na mahal din kita ng sobra, asawa ko.
-Asawang Ynno.
Nang mga sandaling iyun ay labis din ang kasiyahang nadarama ni Ynno. Nagpapasalamat siya dahil
dumating na ang taong matagal na niyang hinihintay. At hindi naman siya binigo ng panahon.Sila na
ngayon ni Jherone. Kahit napakabilis ng pangyayari ay wala siyang dapat gawin kundi tanggapin ang
katotohanang sila na nga nito. Napag-isipan niyang gumawa ng isang tula para kay Jherone.
Ang tulang ito ay ireregalo niya sa first monthsary nilang dalawa. Ang nasabing tula ay may pamagat na
KASALANAN BANG IBIGIN KA?
Ynno Villamar
Di ko kasalanan na ika`y ibigin,
Kaya`t nararapat huwag akong sisihin.
Sinusunod lamang dikta ng damdamin,
Hibang na pag-ibig handang paalipin.
Kung ako`y itakwil at saka husgahan,
Nang aking pamilya`t maging kaibigan.
Masakit isiping ako ay palaban,
H`wag ka lang mawalay saksi`y kamatayan.
Sumpa ko sa iyo`y di ka na luluha,
Lahat ng naisin ibibigay kusa.
Upang sa piling ko`y huwg kang mawala,
Pag-ibig ko lamang ang sa `yo`y bahala.
Kung sadyang dumating sa ating landasin,
Lahat ng pagsubok saka suliranin.
Manindigan tayo`t ating kabakahin
Wagas na pag-ibig ito`y marapatin.
Laging isipin na ako`y matapat,
Ang tulad ko lamang ang s`yang nararapat.
Sambit sa tuwina`y pag-ibig ang dapat,
Kinakailangang ito`y isiwalat.
Kahit na malayo ang ating pagitan
Sa puso`t isipan may pagmamahalan.
Iyong mababakas yaring kagalakan,
Wagas na pag-ibig sadyang kailangan.
Iyan ang mga katagang nabuo mula sa imahinasyon ng makatang si Ynno Villamar. Hindi rin niya lubos
maisip kung saang bahagi ng kaniyang utak nagmumula ang mga tulang kaniyang isinusulat. At ang isa
pang nakadagdag ng inspirasyon sa kaniyang pagsusulat ay ang agarang naging sila ni Jherone Ramirez.
Naging mabilis man ang mga pangyayari, ngunit para sa kanya`y isang malaking pagpapala ito na
kanyang natamo. Isang di malilimutang pagpapala na naging mahalagang bahagi ng kaniyang buhay. Ang agarang naging sila. Hindi man tumutol ang pagkakataon sa kanilang pag-iibigan ang sabi ng iilan ay immoral na relasyon ito ngunit para kina Jhe at Ynno ay sinadyang pagtagpuin sila ng panahon. Sila ang itinadhana ng pagkakataon kaya ito ang panghahawakan nila habang sila ay nanatiling magkasamang masaya. Saya na sanay wala nang katapusan. Iyun bang kahit mararanaan nila ang anumang hagupit ng kapalaran ay dalawa nila itong susuungin upang maresolba ng mas maaga. Iyung uunawain ang ugali ng bawat isa, may pagpapakumbaba, marunong pagpatawad, iginagalang ang kani-kanilang mga opinyon, matutong irespeto ang bawat pagpapasiya at higit sa lahat may takot sa kinikilala nating Diyos.
Alas otso ng gabi saka pa lamang tuluyang nakauwi ng bahay si Jherone. Pagdating niya sa kanilang
bahay ay mabilis siyang nagpalit ng kanyang uniporme. Kinuha ang kaniyang cellphone at kaagad din
siyang nag-dial dito.
“Hello, asawa ko kumain ka na ba?” bungad ni Jhe kay Ynno na nasa kabilang dulo ng telepono.
“Oo, asawa ko. Katatapos ko lang kumain. Ikaw kumain ka na din ba?” balik na tanong sa kanya ni
jherone.
“Yes, asawa tapos na akong kumain. Kumusta naman ang work mo kanina?” usisa ni Ynno sa kanyang
asawa.
“Heto asawa ko sobrang stress sa mga hawak kong tao. Mga pasaway!” sumbong ni Jhe kay Ynno.
“Okay, relax asawa. Huwag mo silang masyadong alalahanin, S-sige ka magiging gurang ka na agad
niyan, ” pang-aasar ni Ynno sa kaniyang asawang si Jhe.
“Di bale ng tumanda ako asawa, ang mahalaga akin ka na,” pabirong tugon ni Jhe kay Ynno. At sabay at sabay silang tumawa. ilang minuto din silang nag-usap ni Ynno. Usap na may kulitan at palitan ng tawanan.