LAUREN'S P.O.V NAKATITIG si Lauren sa kawalan habang hinihintay ang kanyang mga magulang sa hapag-kainan. Subalit napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang hablutin siya ni Atlas. Nakaupo ito sa kanyang babay chair at kaharap ang isang plato na naglalaman ng steam broccoli at carrots. Napalingon siya sa anak na nagngangatngat ng broccoli at ngumiti ito sa kanya. Napangiti siya siya ng makitang nagsisiksikan ang maliit na broccoli sa apat niyang ngipin. "Yes, honey. Did you like the broccoli?" tanong ni Lauren sa bata. Kumurap-kurap naman at kumikislap ang mata ng bata na hawak sa magkabilaang kamay ang broccoli. "Naku, may lahi yatang rabbit 'yang anak mo. Mahilig sa broccoli at carrots," sabat naman ni Zia. Mostly, vegetables are good for children than eating junk food. Ito ang dahi

