Chapter 45

1586 Words

ACE'S P.O.V NAGMAMADALING lumapit si Trixie kay Ace. Tila takot na takot itong hinarang sina Xenon at Allyson. Bakas ang pag-alala sa kanyang mukha ngunit matalim siyang tinitigan ni Allyson. "Hindi na kailangan na dahil siya sa hospital. Pinatingnan ko na siya kahapon," paunang bungad ni Trixie. Sa kanyang sinabi ay may bahid ng kasinungalingan. Alam ni Ace na hindi ito ginawa ni Trixie ngunit wala siyang pagtutol dito. Wala siyang imik patungkol sa bagay na ito. Ngunit hindi kumbinsido sina Allyson at Xenon. Mas gustuhin nilang masiguro ang kalagayan ni Ace. "Walang masama kung gusto namin siyang patingnan. Karapatan namin na malaman kung bakit siya nagkaganyan. Malayong-malayo sa mga nakaraan. Tingnan mo siya ay walang emosyon na nakikipag-usap sa amin," ani Allyson na turo si Ace

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD