LAUREN'S P.O.V HINDI ko magawang kumurap sa nasaksihan. Si Nanay at si sir Raymond magkakakilala. Kung si Auntie lang ay hindi ako magtataka dahil nga nabanggit niya na isang negosyante ang kanyang asawa. "Ahm, Mr. Ray, magkakilala ba kayo ni Nanay?" agad kong tanong. Tila nanuyo ang lalamunan ni Nanay at hindi magawang magsalita. Namumutla at nagsimula akpng matakot na baka atakihin siya. "Sumunod kayo sa opisina ko, doon tayo mag-uusap," anito sabay tumalikod sa amin. Kinakabahan akong inaalalayan si Nanay dahil ayaw kong inaatake siya ng hika. Kaagad naman akong binigyan ni Zia ng isang basong tubig para ipainom kay Nanay. Namumutla ito at halos ayaw niya iangat ang paningin sa amin. Nakaalalay naman si Auntie kay Nanay para pakalmahin ito. "Nay may problema ba? Paano mo nakilala

