ACE'S P.O.V MATAPOS kong mahalikan siya ng sapilitan ay hindi ko na siya inabala pa. Alam kong galit na naman iyon ngunit hindi ako titigil. Tinawagan ko na lang si Xenon na sunduin ako. "Ano nangyari at bakit poker face reaksyon natin?" tanong ni Xenon nang makapasok ako sa kotse. "As usual Xen, umiral na naman ang pagkasuplada niya. But its okay I have another plan." "What plan?" Lihim akong napangiti sa pinaplanong gawin. Kung hindi siya tumatanggap ng bagay mula sa akin puwes sa ibang bagay ko na lang gawin. "Punta tayo sa supermarket at may nais akong bilhin!" "Sandali lang! Ano ang bibilhin mo eh maraming stock sa bahay?" "Basta, sundin mo na lang ang gusto ko. Mamimili ako para sa kanyang ina. Puntahan natin doon sa kanilang bahay," mahinahon kong wika. Napangiti na

