LAUREN'S P.O.V SA pagpasok nina Zia at Lauren ay inaasahan nilang makikita si Ace sa trabaho. Pagkakataon din ni Lauren na sumbatan ito sa ginawa niya pagbibigay sa kanyang ina ng maraming groceries. "Ano handa ka na bang makita si mackerel?" "Naku Zy, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Napakagaling nitong mag-isip at alam niyang hindi tatanggi si Nanay sa kanya," gigil kong tugon. "Kalma lang, ang puson mo... ay este puso mo." Bigla akong napalingon kay Zia nang magsimula na naman itong magbiro. Kahapon pa itong biro ng biro pati si Nanay ay nakikisakay na rin. "Ikaw ha' kapag 'di ka tumigil sa kakabiro mo, sasabihin ko kay Ian ang lihim mo, sige ka!" pagbabanta ko pa dito. "Hoy... Walang ganyanan! Pampa-good vibes lang 'yong akin dahil masyado ng seryoso ang lagi nating usap

