Chapter-11

1088 Words
ANGELINE CRUZ.... Dalawang linggo na ang nakaraan mula nong nailibing na si Captain Ruel.At hangang ngayon hindi parin malinaw ang may pakana sa pag ambushed sa kanila at mula nong araw na sinamahan ko ang aking kaibigan ay yung din ang araw na pinalayas ako sa bahay na pinapasukan ko. kapalit kasi non ay ang pag papaaral saakin.Pero mabait parin si Lord kasi nawalan man ako nang matitirhan.Pinag sarhan ako ng bintana.Meron namang malawak na pintuang na bukas para saakin upang patuloyin ako at upang magkasama na kami walang iba kundi ang aking bestfriend. Nasabi ko kasi sakanya na wala na akung mauwian nong sinabihan nya akung umowi nalang baka hinanap na raw ako kaya ayun sinabi ko sakanya buti at walang pag alin langang tinangap nya ako sa tirahan nya hindi pa kami gaanong nag uusap at naintindihan ko naman sya nag luluksa pa kasi ito awang awa na nga ako dito dahil walang oras na hindi umiiyak kahit walang tunog bigla bigla nalang tutulo ang luha daig pang gripo sa puso haist... At hito sya ngayon tulala pagkatapus sya bisitahin nong isang lalaki hindi ko naman kilala at mahahalata mong seryuso ang pinag usapan nila hindi ko nga narinig ang pinag usapan nila dahil nakiusap ito na iwanan ko sila at yung lalaki parang iwan naka subrero at sunglasses pa kahit andito sa loob nang bahay na hindi naman katangkaran siguro nga kunti lang ang taas nya kay bestfriend. medyo moreno ang balat nakita ko kasi sa kamay nya alangan naman naka gloves. Pagka alis nong lalaki hindi na lumabas si Aly sa kwarto nya siguto tatawagin ko nalang sya mamaya pagkatapus ko magluto nang haponan nahihiya na nga ako sakanya kasi lebri bahay tubig at ilaw ako pati pa pagkain walang limit.Maganda ang bahay nila Aly,may tatlong kwarto yung isa ang tinutuloyan ko ngayon yung isa naman kay Aly,at yung isa baka kay Captain yon kasi minsan napadaan ako don at naka awang ang pinto na silip ko ang kulay grey na pintura nang kwarto at syempre si bestfriend don sa loob umiiyak,may katamtamang sala at kusina naman may cr dito sa baba at yung isa naman sa loob ng kwarto ni Aly,kaya kaya langan ko pang bumaba para dito maligo pero ayus lang. Napaka organise nang gamit pero ang pinagtaka ko lang bakit wala man lang akung nakitang mga pictures ni Captain curious na talaga ako sa hitsura nito. Mga medelyas lang ang naka display at trophy at frame nang mga magagandang view maliban don walana kahit nga pictures ni Aly wala siguro wala silang hilig mag picture..Hai nako Angeline kung ano ano na ang pumasok sa utak mo mamaya nyan palayasin kana ni Aly dahil masyado kang pakialamera sa personal nyang buhay bakit ayaw mo nalang antayin na sya na mismo ang kusang mag sabi sayo sa tamang oras at panahon.Tama antayin ko nalang na mag kukusa syang mag open tungkol sa buhay nya at tungkol kay Captain kung sino ba sya sa buhay nya kung asawa nya ba tatay,kaibigan tyuhin oh boyfriend kapatid basta alin man don,tika bakit may asawa at boyfriend na kasali eh ang batabata pa ni Aly eh kung hindi ako nag kakamali magkasing Idad lang kame kinse ukaya desisais haist nako Angeline nababaliw kana talaga. Nang mahanda ko na ang hapag kainan aakyat na sana ako para tawagin si Aly,pero nakita ko na syang pababa na nang hagdan kaya niyaya ko na sya kaagad.buti naman bumama kana best tamang tama tapus na ako maghanda para sa haponan halikana kain na tayo at agad naman itung tumango at na upo sa tapat ko nag umpisa na kaming kumain nang tahimik at ayaw ko naman syang disturbohin alam ko namang hindipa sya okay kaya naka yuko nalang ako habang kumakain at hindi nag tagal nabasag rin ang nakakabinging katahimikan naming dalawa nang sinabihan nya akung pwede ba kaming mag usap pagkatapus ko kumain hindi ko napansin tapus na pala ito kumain oh mas magandang sabihin tinikman lang ang pagkain,dahil parang ako lang ata ang naka ubos sa niluto ko he he he he sa loob nang ilang linggo ko dito medyo nag ka laman narin ako paano ba naman kain tulog lang ako kunting linis lang at yung labahan saaming dalawa lang naman washing pa hindi ko kinakamay odiba kabalik taran don sa bahay na nag paaral saakin,,,minsan pumapasok ako na walang almusal minsan din nakakatulog akung walang kain madahil maubusan ako dahil inoubos nila kaya ang ginagawa ko inom nalang ako nang maraming tubig busog parin.kung hindi ko lang talaga pangarap makapag aral uuwi nalang ako sa probinsya namin kaso ano nanaman ang maging bukas ko don sa bukid kung wala akung matapus kahit high school man lang maherapan ako makahanap nang trabaho kahit tindira sa bakery sa bayan namin. Kaya nganong may nagawing taga amin na nag alak saakin nang mag asawang nag hahanap nang kasambahay kapalit nang paaralin nila agad akung sumama kahit ayaw ni lolo dahil malayo daw at wala akung alam dito sa Manila.pangarap ko kasing maibaba si lolo mula sa bukid kahit sa bayan lang namin matanda na sya pero nasa ilalim nang initan parin para magtanim nang kahit na ano ano para may pangtawid gutom namin sa araw araw. Pagkatapus ko maghigpit at mag hugas nang pingan umakyat na ako sa taas magpapalit muna ako nang damit bago ko puntahan si Aly,kasi amoy sibugas yung damit ko at amoy pawis rin nahihiya naman ako sakanya kahit alam kung napaka simple at napaka bait nito walang ka arte arte sa katawan minsan nga napagkamalan ko itung isang modelo dahil sa taglay nyang ganda akala mo isang walking doll matangkad check,makinis check,maputi check na check,matangos ang ilong check manipis at may mala pusong labi at natural na pula check,makapal at mapilantik na pilik mata akala mo may extension ito check at higit sa lahat mahaba at itim na buhok check...Sana all perfect kung sa ugali ay nako pak na pak minsan turuan ko ito nang kunting ka malditahan may kasabihan kasi na pag mabait masyado maagang kunin ni lord kaya ayuko mawalang nang magandang bestfriend at matalino pa ang problema ko lang naman dito sakanya ay napaka nahiyain at subrang hinhin nitung babaing ito at tahimik pa hindi ko rin masasabing napapanis ang laway nito kasi hindi naman mabaho ang hininga pag magkaharap kaming mag usap.Hai nako Angeline bilisan mona dyan at maypag uusapan pa kayo ni Aly wag kana puro kalukuhan sa utak mamaya nyan palayasin kana nang tuloyan talaga kung hindi ka titigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD