Kuya ngayon ang unang araw mo bilang pulis agahan mo sa pag alis baka ma late ka first day mo panaman at ilang sakay kapa bago makarating don. kayanga bunso mauna ako sayo na aalis.kasi kailangan seven thirty dapat andon na ako. kayanga kuya bilisan mona dyan para maka alis kana.Na plansa ko narin yung uniform mo kaya pagkatapus mo dyan sa pag kain magbihis kana sagut ni Alyana sa kanyang kuya. Salamat baby bait talaga ni bunso.
Buong maghapon abala sa skwelahan si Alyana tulad nang nakasanayan nila at nagdaan pang ilang linggo. Ganon rin ang kanyang kuya naging abala narin ito sa trabaho.Minsan nakatulogan nya na ang pag antay sa pag uwi nito sa gabi.Hangang sa may hindi nila inaasahang pangyayari.Pagkatapus makaratay sa hospital ni aling Beth binawian din ito nang buhay. Naging malungkot din silang magkapatid lalo na si Alyana dahil naging ina nya narin ito.Andon silang magkapatid mula sa unang gabi hangang sa huling sandali.Isang araw kinausap sila ni mang mando tungkol sa kanilang tinitirhan.Total bayad naman ito ng ilang buwan inabisulan lang sila na isasama na ito ng kanyang anak sa probinsya para makapag pahinga naman.Dahil sa subrang stress sa nangyari at naintindihan naman nilang magkapatid. nakikiusap lang si denden na hangangat maarin baka pweding tatapusin lang yung taong ito sa pag aaral ni Alyana bago sila lillipat may ilang buwan nalang naman bago mag Sara ang pasukan.Wala namang problema sakanila kung tutuosin nga ayaw ni mang mando umalis sila pero kinakailangang ibinta na nila dahil ang paupahan.Manaatili lang ang sakit na naramdaman nila kung don parin ito at ayaw nilang magkasit din ang kanilang ama.
Habang kumain sila isang gabi nag uusap ang mag kapatid tungkol sa kanilang pag lipat at naisipan ni denden na don malapit sa kanyang pinapasukan nalang sila lillipat.May malapit lang din naman na skwelahan don para pwde nya paring mahatid at masundo ang kanyang kapatid.wala namang pag tutul si Alyana.Hangang sa sumapit na ang araw na kanilang pag lipat nauna nang umalis sila mang mando tumawag nalang si denden para ipaalam na lilipat na sila.
Mabilis lumipas ang mga araw naka lipat sila sa mas maayus na tirahan at hindi ito magulo naging busy ang kanyang kuya minsa may ilang araw itung hindi nakaka uwi dahil da trabaho.Noong una naninibago sya hangang sa nasanay narin sya. second year high narin sya at ang kanyang kuya mabilis lang na promote dahil sa subrang pursigedo Nito at tapat sa kanyang trabaho.may nakabili naring sariling motor ang kuya nya na ginagamit sa trabaho.Naging maayus ang buhay nila. Pero kahit ganon paman lahat nang binigay na pera nang kuya nya para sakanya hindi nya ito ginastos.Inipon nya ito dahil ayaw nyang iwaldas ang pinag paguran nang kanyang kapatid.
Bunso next year gagraduate kana ano bang balak mong kunin na kurso.Habang kumakain sila nang hapunan nang kuya denden nya.Ahmm gusto ko maging kagaya mo kuya.Bigla namang na bulunan si denden kaya dali daling inabutan nya ito nang tubig.Dahan dahan naman kasi kuya walang aagaw dyan sa pritong Bangus mo. Baby diba gusto mo maging nurse noon bakit naman nag bago ang isip mo.Eh kasi kuya gusto ko maging tulad mo.Para ako na naman ang poprotikta sayo.Bigla namang sumeryuso ang kuya nya.Baby dilikado ang trabaho ko.At isapa tinuturoan naman kita diba nang self-defense mag nurse ka nalang baby.Maging panatag pa ang loob ko.Hindi na nakipag talo si Alyana sa kanyang kuya at nag patuloy nalang ito sa pagkain dahil ayaw nya mag alala ito sakanya.
Hangang sa natapus na sila kumain.Syanga pala Baby aalis ako bukas hindi ko alam kung ilang araw ako don. kaya tulad nang nakasanayan lagi mong isarado ang bahay ha at wag magpapasuk nang kahit na sino na hindi mo kilala.Kung may masamang loob alam mo kung saan ka pwding pumunta at kung sino ang pwde mong tawagan.ito pala baby ikaw na magtago nyan medyo makalimutin na ako.Inabut nito ang dawalang bank book at isang maliit na box nag tatakang tiningnan ni Alyana ito.Open it baby kaya agad namang binuksan ni Alyana isang simpling white gold necklace ang nakalagay na may initial pang D na ang ibig sabihin ay Dennis at agad namang nilabas ni Denden ang suot nyang kwentas na may letter A naman agad ikinabit ni denden sa leeg ni Alyana. Ayan bagay sayo bunso wag mong hubarin yan ha kahit anong mangyari nagtaka man si Alyana sa sinabi nang kanyang kuya pero hindi nalang nya ito pinansin.
Kinabukasan habang nasa sala silang makapatid dahil ngayon araw na ito aalis ang kuya nya at dahil linggo wala syang pasuk.Kaya andito sya ngayon magkatabi silang magkapatid at naninibago sya sakanyang kuya dahil sa daming mga habilin sakanya na akala mo naman hindi babalik.kuya, kuya relax okay.Ayus lang po ako dito.Kaya ko po ang sarili ko at saulado ko na po ang mga paalala nyo.Basta kuya tumawag ka saakin ha at mag iingat ka lagi sa trabaho mo.Ay tika kuya may ibibigay ako sayo sandali lang agad naman pumanhik si Alyana sa kwarto nya at pag baba may dala dalang leather jacket na itim at brown.Yan kuya regalo ko sayo ingatan mo yan ha.Agad naman sya niyakap nang kanyang kapatid.Basta baby kahit anong mangyari.kahit gaano man katagal akung makabalik galing sa trabaho babalikan kita.Babalik si kuya sa kahit na anong paraan at kahit anong mangyari babalikan ako para sayo.Mahal na mahal ka ni kuya wag mong kalimutan yan ha. Yes captain Ruel sabay saludo nito para mabawasan ang kaba na naramdaman nya dahil sa ikinikilos nang kuya. hangang sa may narinig na silang busina nang sasakyan dahil isang sasakyan lang daw ang gagamitin nilang anim.Hinatid nya pa ito sa labas kumaway naman sakanya ang mga kasama nang kanyang kuya.Mag iingat kayo ha ingatan nyorin ang kapatid ko.Sabay kaway hangang sa nakaalis na ang sinasakyan na van shaka nalang sya pumasok sa loob si Alyana.
Mabilis ang paglipas nang mga araw nakakatangap naman sya nang tawag at text sa kanyang kuya midyo daw matagalan pa sa pag uwi dahil hindi pa ito tapus ang misyon nila.Pauwi na si Alyana nang napadaan sya sa isang skinita na madalang nya lang dinadaanan.May ilang kalalakihan na satingin nya nasa apat ito at may isang babaing pinag katuwaan nila at sa tingin nya mga studyante rin ang mga ito dahil naka unipormi rin gaya nya.Palapit na sya sa may umpukan nang narinig nyang umiiyak ang babae. Tama na ano bang ginawa ko sainyo?Bakit nyo ako hinarangan?
Hahahaha eh ano ngayon?Kisa gusto lang namin kaya kung ako sayo sumonod ka nalang sa gusto namin. Pag sinabi naming hubad dapat sumonod ka. kaya ngayon hubad pasigaw na utos sa kawawang babae.Hindi na natiis ni Alyana kaya agad nyang ni lapitana ang apat na hawak hawak ang na damput na kahoy.Pero bago pa sya lumapit nakatawag na hingi na sya nang tulong sa malapit lang pulis Station. Paglapit na pag lapit palang nya ay agad nya nang hinampas nang malakas sa may likuhang hita ang dalawa at na tumba agad naman ito dahil sa tindi nang pag hampas ay.Hindi na naka tayo at gulat naman ang dalawang kasamahan bago pa naka galaw ay agad nya naring na hampas ang mga tunod nila.At silang apat na ang natumba agad nya sinundan nang hampas para masigurado nyang hindi na makatakbo ito.Kung tutuosin kaya nya itung patumbahin kahit walang kahit anong sandata kaya lang iniiwasan nyang may makakaalam na marunong sya sa martial arts.Sila lang nang kuya nya ang may alam dahil ayaw nilang may maka alam tungkol dito.
Ano laban?Ang babastos nyo.Gusto nyo pang pahubarin sa harapan ninyo ang walang laban.Habang aambahan nya pa ito nang hampas. Samatalang ang babaing tinulongan nya ay nanginig parin sa takut dahil sa ginawa nang apat.Matapang ka lang dahil may hawak kang kahoy humanda ka babae ka makakatim ka saakin ngayon.Akmang hahawakan na sana ang binti ni Alyana nang syang pag dating naman ng patrol car at pag baba nang mga pulis. Anong nangyari dito at bakit may hawak kang kahoy?