Pakiramdam ko ay gustong tumalon ng puso ko palabas sa'king dibdib. Nalulunod ako sa malamig na mga mata ni Judge Franco na tila nanunuot hanggang sa kaluluwa ko. Naputol lang ang titigan namin nang bahagyang gumiwang ang sinasakyan namin. Ginawa ko iyong excuse upang umayos nang upo at mag-iwas ng tingin. "Wala naman akong alam na ibang university rito sa siyudad," tumikhim kong sagot sa huling tanong ni Judge Franco. Sa totoo niyan ay kilala maging sa probinsya namin ang CU, pero masyadong imposible para sa katulad kong makatuntong dito kaya never kong pinangarap kahit pangarap na university ito ng halos lahat ng mga ka-batchmate ko. Ngayong dito na ako nag-aaral ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Tiyak na 'pag malaman ng kaibigan kong si Marcy na pumapasok ak

