HARRIET'S POINT OF VIEW Kinabukasan, agad akong namasyal muli ng masigurong maayos na lahat ng dapat kong asikasuhin para sa magkapatid na Pao at Rose. Iniwan ko sa pangangalaga ni Master ang dalawang bata. Kaya naman, alam ko na walang problemang dadating kahit pa lumabas akong muli. Nagbabalak akong magpunta sa dati kong pinagtatrabahuhan at ang dating eskwelahan kung saan ako nag-aral noon. Nagbabalak din ako na puntahan ang palengke kung saan madami akong kaibigan na nagtitinda. Pero, hindi ko inaasahang sa muli kong paglabas... Makakasama ko sila. Agaw-pansin kami dahil pinasakay na naman ako nila Cairo at Dark sa sasakyan na sinasakyan ko noong una. Mas nakakaagaw-pansin din ang mga kasama naming mga bantay. Gusto ko tuloy mamaluktot sa upuan at magkulong sa private spa

