CHAPTER 22

1052 Words
"You want to leave Area 666?" Ulit ni Crow sa sinabi ni Harriet. Tumango si Harriet bilang kasagutan at saka tumungo para paglaruan ang mga daliri niya. "Why?" Halata sa boses ni Crow ang pagkagulat sa mga narinig. Hindi akalain ni Crow na hihilingin ni Harriet ang bagay na iyon, ni ang isipin man ito ng dalaga. Ang alam niya ay masaya si Harriet sa buhay na natatamasa niya dahil anak siya ng sikat na personalidad sa buong Area 666. Pero mukhang nagkamali siya. Habang pinapanuod ni Crow ang dalaga na paglaruan ang kaniyang mga daliri, napagtanto niya ang kaniyang pagkakamali. Sino nga ba ang sasaya sa lugar na ito maliban sa mayayamang tulad niya? Sino nga ba ang matutuwa pag nalaman mong ang taong pinakamumuhian mo ay ama mo pala? Sino nga ba ang sasaya sa buhay na nag-iisa ka lang? 'Sino ba ang niloloko ko? Hindi siya masaya! Halata naman eh pero nagbubulagan lang ako.' Sa isip ni Crow habang pinagmamasdan ang babaeng pinahahalagahan niya ng labis. "Tell me first the reason and I will ask for Pres—" "No! Don't ask him for this. He have no responsibility to protect me nor care for a nobody like me. I won't force you to help me. But please, don't mention nor think about that man again." Putol ni Harriet sa sasabihin ni Crow. Wala siyang balak na magkaroon ng koneksyon kay President T. Wala siyang balak at hindi siya magkakaroon ng balak na marinig man lang ang pangalan nito. "Okay. Just tell me why." Seryosong sagot ni Crow. Huminga ng malalim si Harriet at saka nakapikit na sinagot si Crow. "I will die if I stay here." Napaisip si Crow ng ilang minuto at wala siyang nagawa kundi pumayag sa hinihiling ni Harriet. "Take me with you. We'll travel and I will pro—" "No. I want to be alone. I'm sorry." Paghingi ng tawad ni Harriet sa kaibigan. Napaisip muli si Crow at wala siyang nagawa kundj ang manahimik na lang at kumilos para tuparin ang pakiusap ng kaibigan. "I will help you. But once you realized that you can't take it, you must return. Okay?" Bilin ni Crow ng matapos ang tawag na ginawa niya sa isa sa mga koneksyon niya na nagbabantay sa pader na naghahati sa Area 666 sa iba pang area. "I will send you to the Area 667. If you have difficulties there, use my card. You can pay me back later." Nakangiting dagdag ni Crow sabay labas ng dalawang kard mula sa kaniyang pitaka kasama ang isang token na may pangalan niya. "Show them this token. They will let you pass and they will personally escort you wherever you want to go." Dagdag bilin ni Crow. Walang nagawa si Harriet kundi tanggapin ang mga binibigay ni Crow. Hindi niya alam kung paano suklian ang mga kabutihan ng kaniyabg kaibigan sa kaniya. "Why are you so kind to me, Crow?" Biglang tanong ni Harriet. Natigilan si Crow. Tinitigan niya si Harriet, hinihintay ang pagkontra nito sa sarili niyang katanungan. Pero wala siyang natanggap kundi apat na salita. "Because, I like you." Nanigas si Harriet mula sa kaniyang kinauupuan. Dahan-dahan ay nag-angat siya ng paningin at kaniyang nakasalubong ang matiim na pagtitig sa kaniya ng kaibigan. Hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan. Hinayaan niya lang sarili na madulas sa kaniyang mga salita. "I'm sorry. We are not meant to be together. I don't deserve your affection." "If you don't deserve me. Then, no one is and will be deserving to me!" Matigas na pagtanggi ni Crow. Alam ni Harriet na hindi magpapatalo si Crow. Kaya naman nanatili na lang siyang tahimik hanggang sa makarating na ang mga tao na koneksyon ni Crow sa may hangganan ng Area 666. "Take good care of her there. Don't let anyone see her especially President Top's people. Do you understand?" Paliwanag ni Crow sa lalaki. "Yes Sir. I will make what you ordered be arranged according to your wishes. I will protect the Lady even it costs my life." Matapat na panunumpa ni Knight. Hindi na nagpaalam si Crow. Tahimik siyang umalis mula sa bahay ni Harriet at iniwan ito sa kamay ni Knight. Ayaw niyang makitang umalis si Harriet. Dahil sa bawat minuto na lumilipas na nakikita niya ito, mas tumitindj ang pagiging pakiramdam niya na ipagdamot si Harriet sa mundo. At alam niya na wala siyang karapatan na gawin ito. Tahimik lang si Harriet habang nagbibihis ng kasuotan na ibinigay ni Knight sa kaniya. Isa iyong roba na lagpas pa sa kaniyang mga paa. Sumasadsad iyon habang naglalakad palabas ng kaniyang bahay. Dala ang mga gamit niya sa isang space cube, umalis siya ng kaniyang bahay ng tahimik at mabilis. Nag-iwan siya ng sulat para sa kaniyang Master bilang pamamaalam dahil maging siya'y hindi siya sigurado kung makakabalik pa nga ba siya ng buhay sa bahay na iyon. Hindi niya namalayang may isang pares ng mga mata na nakamasid sa kaniyang kinikilos mula sa kadiliman. Puno iyon ng pagtataka sa kung saan siya pupunta. Pero nanatili itong tahimik at nagpatuloy lamang sa pagmamasid. Ayaw ni Dark na panghimasukan ang buhay ng dalaga. Lalo na at bilang na ang araw nito sa mundo. Dahil... Siya mismo ang babawi nito. Samantala, ang mga tauhan ni President Top ay isa-isang nagsi-alisan pabalik sa kanilang amo para mag-ulat. "What?!" Gulat na napatayo si Timothy mula sa kamiyang upuan ng marinig niya ang ulat ng mga tauhan niya na itinalaga niya para bantayan si Harriet. "I dare not lie to you, my lord. The Miss really left her house in the middle of the night. We suspects that something happened to the Miss after returning from her school and made her left deliberately." Paliwanag ng kaniyang tauhan. "Investigate it and follow her! If I learned that someone tried to harm my daughter, I will make sure that he will suffer three folds!" Galit na galit na tugon ni Timothy. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niya. Habang siya naman ay nagpunta sa silid kung saan nakakulong si Hera. Sa muli, ipinakita niya sa dati niyang kinakasama ang pagiging hindi niya makatao. Ginamit niya ang katawan ni Hera para ilabas ang lahat ng galit niya. Habang si Hera ay lumuluhang tinatanggap ang parusa mula sa kamay ng lalaking kaharap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD