Area 666. Ang lugar kung saan tinatawag ng iba na "Experiment Zone". Tinatawag rin nila na "Danger Zone" ang lugar na ito dahil sa panganib na dala ng mga Bererk beasts at Demi-humans sa iba pang tao na nabubuhay sa iba't-ibang area sa buong kontinente at buong mundo.
Nahahati ang mundo sa 667 na area kung saan may kaniya-kaniya silang pamamalakad anuman ang naisin ng mga nakakataas. Pero hindi lahat ng area ay kayang mabuhay ng matagal hindi tulad ng Area 9, 103, 498, 505, 666 at 667.
Nagkaroon ng samahan ang mga nilalang sa buong mundo na tinatawag na "King's Saviour".
Ang King's Saviour ang nangangalaga sa buong mundo sa pamamagitan ng kanilang pangmalawakang batas, parusa at pamantayan. Pinamununuan ito ng isang nilalang mula sa kadiliman. Walang nakakalam sino ito, ano siya at saan siya nagmula. Pero dahil sa kapangyarihan na taglay niya, walang sinuman ang nangangahas na kwestyunin ang mga desisyon niya.
Lahat ng area sa mundo ay sakop ng King's Saviour. Maliban sa Area 666.
Dahil sa misteryosong dahilan, wala sa mga miyembro ng King's Saviour ang nakakapasok dito. Pero kung makapasok man sila, hindi rin sila nakakalabas ng buhay. Anuman ang dahilan nito, walang nakakaalam.
"King. We failed again to penetrate the Area 666. Please punish us for our incompetence." Nakaluhod si Burrow sa harapan ng isang malaking itim na kurtina na sinasabing lugar kung nasasaan ang kanilang pinuno.
Si Burrow ay isa sa mga miyembro ng King's Saviour na sumubok na makapasok sa border ng Area 666. Pero sa kasawiang-palad, hindi sila nakapasok at namatayan pa ng mga kabaro.
Natahimik ang buong kapaligiran. Tanging mabilis na t***k lamang ng kanilang puso ang bumibingi sa kanila maliban sa katahimikan sa kapaligiran. Hindi sila sigurado kung may sasagot ba sa kanila o wala. Hindi nila alam kung makakalabas pa nga ba sila ng buhay o hindi na. Ang tanging alam lang nila, may mga tao sa Area 666 na hindi nila nagawang protektahan mula sa kamay ng mad scientist na si Timothy Top.
Gumalaw ang kurtina at nilabas nito ang isang babae na may kulay pilak na buhok na abot balikat. Nakasuot ito ng kulay itim na hapit sa makurba niyang katawan. Sa kaniyang bewang ay may nakasukbit na armas na hindi pa nila nakikita o nakikilala. Ang malamig nitong tingin ay sapat na para kilabutan sila.
"Dispatch the elite members and protect his majesty."
Sa mga salitang iyon, sapat na para maintindihan nila ang ibig sabihin nito. Ang kaba na nadarama nila ay lalong tumindi na hindi na sila makahinga ng maayos. Ang takot sa katauhan nila ay lalong tumindi.
Ang pinuno nila ay nasa Area 666.
"Report!"
"What is it?" Walang kabuhay-buhay na tanong ni Timothy sa kakapasok pa lamang na tauhan.
Si Timothy ay mahigit limampung taon na. Edad na dapat ay matagal na siyang namatay dahil sa limitasyon ng buhay ng tao sa Area 666. Pero dahil sa mutation na ginawa niya sa kaniyang sarili, bukod sa mahabang buhay, nanatiling bata ang kaniyang pisikal na itsura at lakas. Mga bagay na gustong makamit ng lahat.
Nakasuot ito ng kulay itim na laboratory cloak na pinaresan din ng kulay abong panloob. Wala kang ibang makikitang puti sa kaniya maliban sa kaniyang balat at mga ngipin. Sa hindi malamang dahilan, ayaw niya talaga sa kulay puti o anumang makukulay na kulay.
"We found the Miss!" Masiglang anunsyo ng kaniyang tauhan.
Natigilan si Timothy sa kaniyang ginagawa at nanlalaki ang mga matang nilingon ang kaniyang tauhan.
Ilang taon na nga ba ang lumipas? Labing pito?
Labing pitong taon na ng itakas ng kaniyang karelasyon ang kanilang anak. Nakita man niya ang dating karelasyon, hindi naman niya nakita ang anak niya na sa tingin niya ay itinago nito mula sa kaniya.
"What did you say? Where is my daughter?" Hindi mapagkakailang sabik siya sa kaniyang anak na matagal ng nawalay sa kaniya. Malamig man at masama ang tingin sa kaniya ng lahat dahil sa kaniyang ginagawa. Malambot ang kaniyang puso para sa kaisa-isa niyang anak.
"How did you find her? Tell me!" Hindi magkamayaw ang pananabik niya na para bang sa isang tingin ay nasisiraan na siya ng bait sa kaniyang itsura.
"We collected the blood samples that is in the range of fifteen to twenty-five years old. Demi-humans, humans and berserk beasts. And we found out that she stayed as a human and now she is twenty years of age. A student of President Tops's Foundation Academy and also a writer of the Rhys Publishing House. She is now—"
"Where is she now?" Gusto niyang puntahan ang kaniyang anak. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit, sabihin kung gaano niya ito kamahal at ibigay ang lahat ng bagay na gusto nito, makabawi man lang sa mga taon na magkahiwalay sila.
Alam niya na nakarating na sa anak niya ang mga ginawa niya sa sangkatauhan. Handa siyang harapin ang galit nito o pagkamuhi. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang gawin nito sa kaniya dahil sa galit. Ang alam niya lamang, sa oras na makuha niya ang kaniyang pinakamamahal na anak, hindi na niya ito pakakawalan pa kailanpaman.
"I think we need to slow it down, Sir. As you can see, if you take action due to impulse. Your enemies will notice it and they may harm the Miss or maybe use her to you. I am so sorry Sir but all I can give you is the details about her." Sinserong suhestiyon ni Oscar na sekretarya niya.
Napaisip si Timothy ng matagal. Anuman ang sinabi ng kaniyang tauhan ay totoo at may koneksyon. Hindi dapat siya magpadala sa bugso ng damdamin. Datapwat, dapat siyang kumilos na hindi mapaghahalataan ang plano niya.
Nawala na sa kaniya ang kaniyang anak dahil sa kaniyang kinakasama. Hindi na niya hahayaan pang mawala ito dahil sa kapabayaan niya. Ang tanging magagawa lang niya sa ngayon ay ang bantayan ang anak mula sa malayo.
"Give me that. Eliminate all the personnel that participated in this project. No... Erase their memories about this project. No one is allowed to know who is my weakness." Pinagkakatiwalaan niya si Oscar dahil... Siya ang natatanging obra maestra niya na nabubuhay ayon sa kaniyang mga salita.
Si Oscar ay hindi tao. Hindi rin siya demi-human o berserk beasts na ginawa niya. Isa itong android na tanging siya lamang ang may kayang utusan ito at sirain ayon sa kaniyang kagustuhan.
Sa mga salitang binitawan niya, agad na nabura at nasira ang mga detalye na tungkol sa kaniyang anak mula sa memory ng android na ito. Lumabas ito at ginawa din ang pagbura sa memorya ng mga tauhan na lumahok sa proyektong iyon.
Dumaan ang mga araw na para bang walang proyektong tulad nito ang naganap sa buong kompanya. Nagpatuloy ang buhay ng mga tauhan ng mapayapa at normal. Walang nakakaalam maliban kay Timothy sa detalye sa nawawala niyang anak. Walang nakakaalam kung anuman ang binabalak nito at anuman ang nasa isipan niya.
"Hera. Look whom I found." Pinakita ni Timothy ang folder na naglalaman sa kaniyang nawawalang anak sa babaeng nakahiga sa loob ng isang isolation room.
Hindi ito makagalaw dahil sa restrainer at mga nakasaksak sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata nito na tila ba nakakita ito ng multo.
"Don't you ever hurt my daughter!" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Timothy.
Timothy sneered and caress the long black hair of the woman whom he loved. The woman who snatched his one and only happiness. The only key for his change. The woman who is the true culprit of human's extinction. The woman who is the true killer of the human beings. The ruthless woman whom he once loved then betrayed him for someone else.
"You have no place to threaten me or order me. You have no right to comment on how I will treat my daughter. I am not your brother nor Jason! I am Timothy Mikael Top! The one whom you betrayed! The one who will make you suffer! I will get my daughter back and show you how I treat her until she despises her ruthless mother!" Timothy screamed.
Hera cried so hard yet she can't move even an inch. She must admit that she is the one to blame. She is the one that made everyone suffer. She is to blame for her daughter's sufferings as well as her brother, Jason— her husband, and more especially, her daughter.