CHAPTER 5

436 Words
Maagang nagising si Alice upang maghanda ng baon ng kanyang alaga. Ganun din ng baon nya sa kanyang pagpasok sa kolehiyo. (opo, tama ang naiisip nyo,kasabay ng pagiging yaya nya ang pagpapatuloy nya ng pag aaral sa kolehiyo,since mabait naman ang kanyang amo na si Therressa,pinayagan nya si Alice makapag aral basta sisiguraduhin nito na hindi niya mapapabayaan ang kanyang trabaho) Hello Rona!anjan ka pa ba? Oo yun na nga napakaswerte ko talaga kasi napakabait ni Ate Therressa akalain mong pinayagan nya ako mag aral, wika ni Alice sa kaibigan nya na kausap nya sa kanyang telepono. Pero yung kapatid nya si Gregorio naku, nuknukan ng sungit at antipatiko,buti na lang gwapo sya kung hindi... Hindi na nya naituloy ang sasabihin... Kung hindi ano? Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran, Ayyy anak ng kabayo at kalabaw!!! Napasapo si Alice sa kanyang dibdib sa sobrang pagkagulat. Buti na lang gwapo ako, kung hindi ano Alice??? Si- Sir an-jan po pala kayo? Sige na besshyy mamaya na lang ulit, may masungit,pabulong niyang sabi sa kausap sa telepono at pinutol na ang tawag. Si-r Gre-gory kanina pa po ba kayo dyan? nauutal na tanong ni Alice. Enough time para marinig ko lahat ng sinasabi mo tungkol sa akin. So nagagwapuhan ka pala sa akin Alice??? kasabay ng pagtatanong ang unti unting paglapit ni Gregory kay Alice. Ganun ba ako kasungit sa tingin mo huh Alice??? Si-r Gre-go-ry, hindi naman po sa ganun. Nang mga sandaling yun ay namumula na si Alice sa pagkapahiya, at sa sobrang kaba. Napaatras na lang si Alice sa ginawang paglapit ni Gregory sa kanya. Napapikit na lang ito sabay dasal na "G sana lamunin na ako ng lupa ngayon din," Ramdam na ramdam ni Alice ang paglapit ng mukha ni Gregory sa mukha nya, naamoy na niya ang mabango nitong hininga na lalong nagpakaba sa kanya. "Lord please ipalamon mo na ako sa lupa" Sayang naman kung lalamunin ka lang ng lupa, diba Alice??? Bulong ni Gregory sa kanya. Bigla siyang natigilan, na-narinig nya yun? NOOOOOOO!!!!!!!! Pasigaw na napatakbo na lang si Alice palabas ng kusina sa sobrang hiya. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking yun sa kusina ng ganun kaaga? aahhhhhhh nakakahiya ka, nakakainis talaga,baka isip nun pinagpapantasyahan ko sya, huhuhu napasabunot na lang siya sa sarili sa sobrang hiya na nararamdaman. Hayyy naku Alice tama na nga yan saway nya sa sarili,mag asikaso kana at baka malate pa kayo ng alaga mo. Pagkatapos nun ay naghanda na sya ng mga gagamitin ni Malia sa pagpasok sa School. Ganun din ng mga gamit nya sa unibersidad na pinapasukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD