CHAPTER 3

486 Words
Okay Miss Alice Rodriguez tanggap kana sa Agency na ito. Pero bago ka makapagsimula sa trabaho kailangan mo munang maipasa ang final interview sayo ng iyong magiging employer.Once na makapasa ka you can start immediately,pero kung hindi ka makapasa kailangan mo munang maghintay hanggang sa makanap ulit tayo ng magiging bago mong employer. Okay po ma'am maraming salamat po talaga.Pangako pagbubutihan ko. Ding dong.... pagdodoorbell ni Alice sa malaking bahay ng kanyang magiging amo kung papalarin na makapasa sa kanyang final interview na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Makati. Pagkabukas ng gwardiya ay agad nitong itinawag ang kanyang pagdating.Pagkatapos ng tawag ay hiningan siya ng i.d bago tuluyang pinapasok. Magandang araw po ma'am. Ako po si Alice Rodriguez. Ako po ang pinadala ng agency para sa final interview ng pagiging yaya. Magandang araw din sayo Miss Rodriguez ako si Mrs.Therressa De Ocampo Madrigal, pero Ate Therressa na lang ang itawag mo sa akin ayoko ng masyadong pormal andito lang naman tayo sa bahay, Base sa mga sinubmit mong documents okay naman mga records mo, wala ka naman sabit sa police at NBI napa background check na rin kita at wala namang problema. Isa lang ang main concern ko dito. Yung magiging Pag aalaga mo sa anak ko. May experience ka na ba sa pag aalaga ng bata? base sa iyong resume first time mo lang mamasukang yaya. Yes ma'am first time ko lang mamasukang yaya,mabilis na sagot ni Alice. Pero may experience po ako sa pag aalaga ng bata.May dalawa po akong nakababatang kapatid at tuwing walang pasok sa eskwela ay ako ang naiiwan para mag alaga sa kanila dahil may trabaho ang aking nanay. Sigurado ka bang kakayanin mo maging yaya? I just want to make sure na nasa mabuting kamay ang anak ko.Well hindi naman mahirap ang magiging trabaho mo bilang yaya dahil katuwang mo ako sa pag aalaga, pero dahil minsan my kailangan din ako asikasuhin sa family business kailangan ko ng mapagkakatiwalaan na maiiwan sa aking anak. Yes ma'am kakayanin ko po. Gagawin ko po ang best ko para magampanan ng maayos ang trabaho ko. Okay, 5 thousand weekly salary,so its 20 thousand a month, all expenses paid, lahat libre, may sarili kang kwarto. Okay na ba yun sayo Alice? okay na okay po ma'am. Okay, then wala na tayong dapat pag usapan pa, You're hired. Welcome to the family Alice. Thank you po ma'am, ayyy ate Therressa po pala. Maraming salamat po. You're very much welcome Alice. Pwede ka ng magsimula. Here's the schedule of my daughter Malia, at eto naman ang list ng pwede at hindi nya pwedeng kainin. Makikilala mo sya mamaya pagdating nya from school. Masayang masaya si Alice at sa wakas may nahanap na syang trabaho at makapagpapadala na rin sya sa kanyang pamilya. At malayo na sya sa taong nagdulot ng pasakit sa kanya. "Kaya mo yan Alice,kaya mo yan!"wika nya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD