“ Anong nangyari sa kaniya, Pau?”
“ She's drunk, Tita. I'm sorry.”
Ba't nagso-sorry si Pau kay Mama. Wala naman siyang ginawa masama sa akin. Medyo mahapdi parin ang mga kalmot ng linta sa akin. “ Ba't ang dami mong kalmot, Marikit? Napaaway kana naman ba ha?” lumukot na naman panigurado ang noo ni mama. Nag-alala ba siya sa akin?
“ Inagaw...kasi..ng linta...ang pagmamay-ari ko, mà. ”inakay ako ni mama papasok sa loob ng bahay at agad namang nagpaalam si Pau kay mama na umuwi na. “ O sige, hija salamat sa paghatid kay Marikit dito sa bahay, mag-iingat ka pauwi.” mas mabuti pa si Pau kasi may concern siya palagi pero ako mismo na anak ay di niya magawa. Saklap nga buhay kasi palagi nalang akong option sa mga mata nila. Pinagsusuntok ko ang aking dibdib sa sakit na nararamdaman ko. Nagseselos ako kay Pau. “ Stop it, Marikit wag mong sasaktan ang sarili mo,” bulyaw ni mama sa akin.
“ Anak niyo ba talaga ako mama?”
“ Anong klaseng tanong iyan, Marikit?“
“ 'Cause, I'm just your second option.”
“ Lasing kana anak,”
Inakay niya ako papunta sa kwarto ko. Marahan niya akong pinahiga sa aking kama.
Hilong-hilo na ako sa mga oras na'to kaya't ipinikit ko ang aking mga mata. Kinabukasan ay maaga akong nagising sa sakit ng ulo ko. Tahimik ang bahay kaya ako na namang mag-isa ang naiwan. Wala na naman sila.
As usual, sa tuwing gigising ako, mag-isa na lamang ako sa bahay. Never silang nagpaalam sa akin sa tuwing aalis sila. Minsan nga naisip ko na, anak ba talaga nila ako? Minsan, hinihiling na sana sa ibang nanay nalang ako nabuo.
I accidentally fell off the floor. Marahan akong bumangon at tumayo. Ang sakit rin puson at balakang ko. I gently rubbed my forehead.
Kaagad kong kinuha sa loob ng drawer ang vicks vaporub at naglagay sa noo. Maya-maya ay nagring ang phone ko na nasa ibabaw ng maliit na table malapit sa kama ko.
Dinampot ko ito at agad na tinignan kung sino ang tumawag. It's Pau. Inilapat ko ang aking selpon sa tenga ko. “ How are you?” bungad niya sa akin.
“ Hangover attack, Pau.”
“ Nakatatlong bote ka lang naman ng champagne kagabi, Marikit.”natatawang saad niya na ikinalaki ng mga mata ko. Tatlong bote? Inubos ko talaga iyon? Hindi ako makapaniwala na tatlong bote ng champagne ang naubos ko kagabi at nang sumagi sa isipan ko si Trigger ay nasapo ko ang aking bibig. “Naging pasaway ba ako kagabi, Pau?“
“ Oo, hinalikan mo lang naman ang bestfriend ni Ronni kaya nilampaso ka ni Monica sa sahig.”
“ Oh my god!”
“ This can't be!”
“ This can't be ka diyan!”
“ Umamin ka nga sa akin, Marikit may gusto kaba sa bespren ni Ronni?”
Di lang gusto. Nababaliw ako sa kaniya. Kaso may girlfriend na pala ang mokong na iyon. Palagi nalang talaga akong second option ng mga taong mahal ko. Hay.
“ Mahal ko na ata siya, Pau.”
“ Pero may nobya na iyon, Marikit.” giit pa niya. Alam ko na may nobya na siya ngunit anong magagawa ko? Siya ang tintibok ng puso ko eh. Nakakabaliw nga talaga ang pag-ibig.
I'm hoping na someday ay magkakahiwalay ang dalawang iyon.“ Bahala na, kung may nobya iyon. Naagaw nga ang may titulong hinahawakan, magjowa pa kaya.“
“ Just move on, Marikit. Wag kang magpakababaw sa isang lalaki. Marami pang iba diyan, you deserve to be love.”
I really deserve to be love ngunit second option lang nila ako. “ Just forget him and move forward. I'm always here for you no matter what happen. ”
I know na she's always there for me. I really felt jealous and insecurity. Hindi ba ako kamahal-mahal? I really need their fvcking atention and love. Saka nalang ata nila iyan maiparamdam sa akin kapag nawala na ako sa mundong ito.
“ I know what your thinking right now. Please be positive. Forget him and move forward.”
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti.“ Okay, I'll try.” saad ko para tumahimik na siya. Ang aga-aga nambubulabog eh. Masakit pa naman ang ulo ko. “ See you later,” paalam niya kaya agad kong ibinaba ang tawag.
Marahan akong naglakad palabas ng aking kwarto at dahan-dahang bumaba ng hagdan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si mama habang umiiyak. I thought na pumasok siya sa trabaho. Anong ginagawa niya dito? At bakit siya umiiyak.
May problema kaya sa kumpanya namin? Wala akong alam sa mga kaganapan sa kumpanya namin. The héll I care! Hindi nga nila ako kini-care, ba't ako magki-care sa kumpanyang iyon. Nang makita niya ay agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya at sabay na tumayo. “ Gising kana pala anak. Gutom ka naba?”garalgal ang boses niya.
Namumugto ang mga mata niya. “ Umiiyak ka po ba?” tanong ko sa kaniya kahit alam kong umiiyak siya.
“ H-hindi anak. I'm just happy to see you.” speechless ako sa sinambit niya. Di ko inasahan na sasabihin niya iyon sa akin.
“ Really? Thanks.“ tanging naitugon ko sa kaniya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya na sa wakas ay nasabi niya sa akin na masaya siya nang makita ako pero bakit nakulangan parin ako? Aaaargh! Mas lalong sumakit ang ulo ko. Curious ako kung bakit umiiyak si mama. Never ko pa kasi siyang nakitang umiyak. “ I'm sorry anak, forgive me.” bigla siyang yumakap sa akin ng mahigpit. Mahina siyang napahagulhol sa balikat ko. “ Sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo, anak. Babawi ako sayo, okay?”hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha.
Ito naba? Ito naba ang atensyon at pagmamahal na hinangad ko mula sa kaniya.
“ Forgive me anak. Give me another chance to prove my care and love for you.” naging emosyonal tuloy ako sa mga oras na ito. Hindi ko talaga ito inasahang mangyari.
“ Accepted.”
“ You're crying because of me?” sambit ko at sabay na pinunasan ang luha niya gamit ang palad ko. Ngumiti lang siya sa akin at sabay na hinalikan ako sa noo.
“ Thanks, mama. Kasi sa wakas ay nakamit ko na ang hinahangad ko mula sa inyo. Makukuha ko na ang atensyon at pagmamahal na gusto ko mula sa inyo.”
Nawala bigla ang hang-over ko sa saya na naramdaman ko. Luminga-linga ako sa buong bahay at nagbabaka-sakali akong makita si papa. “ Hinahanap mo ba ang papa mo?”tanong ni mama na tinanguhan ko lang.
“ Maaga siyang pumasok sa trabaho.Pero ang sabi niya, magha-half day daw siya for you.” nang marinig ko ito mula kay mama ay para akong dinuduyan sa alapaap sa sayang naramdaman ko sa mga sandaling ito. Namilog ang mga mata ko sa aking nakita, napapalibutan ng bandaritas ang bawat sulok ng aming bahay. Ano kayang meron?
“ Ma, may okasyon ba?” nagtatakang tanong ko at ngumiti lang siya sa akin.
“ Yes anak, It's your 24th birthday, anak.”
“ Ano palang petsa ngayon ma?”
“ 16th of May.” nasapo ko ang aking bibig. Birthday ko nga pala. Sa dami ng problemang iniisip ko ay di ko akalain na makakalimutan ko ang espesyal na araw ng kapanganakan ko. “ May pool party mamaya anak. Invite your friends and classmates.” talaga? Magpo-pool party sila for me? Ngayon lang ulit ito nangyari since last celebrate nila ng birthday ko. Pool area din ang Venue nun.
Maya-maya ay nagsidatingan ang mga pinsan ko. Jusko di pa nga ako nakahilamos. May kanya-kaniya silang bitbit na regalo. Nakakataba ng puso. “ Happy birthday, couz.” bati ni Gail sa akin. Pinsan ko siya sa side ni mama kasama niya ang boyfriend niyang si Aris. “ Happy birthday, Marikit.” bati rin ng nobyo niya sa akin at sabay na bumeso.
" Salamat.”
“ Happy birthday, Marikit,” bati naman ni Anna Yuki, half-sister ni Gail.
And lastly but not the least. Ang paborito kong pinsan sa side ni papa. Si Mitch Dela Gardo.
Nagkayakapan kaming dalawa ni Mitch.
“ Kailan kapa nakauwi?“
“ Kahapon, insan.”
“ Nasan ang mga pamangkin ko?” tukoy ko kina Amanda at Yassi. Ang foreigner kong mga pamangkin.
" Mamaya pa ang mga iyon, Marikit. They're playing pa kasi with their cousins. Napaaga lang ang pagpunta namin dito ni Gail dahil tutulong kami sa pagprepare.”
Last time na nakita ko si Mitch ay iyong kasal niya with kuya Patrick. Mas lalo siyang gumanda sa simpleng attire niya ngayon. Fashionista kasi si Mitch. Maaga lang siyang nakapangasawa, running twenty ata siya nung ikasal siya ni kuya Patrick. Kaniya-kaniya silang tumulong kay mama na nagpre-prepare at naglalagay ng bandaritas.
Ngayon lang ulit kami, nagkasama ng ganito. Gail Montero and her boyfriend ay dumiretso sa pool area. She knows how to handle it. I am very happy to see them again together with their love. Umaga pa pero 'yung saya ko ay hindi ko maipaliwanag.
“ Mama, akyat muna ako sa kwarto ko ah? Maliligo lang po muna ako.“ paalam ko kay mama. Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang nabili kong dress kahapon na may disenyong bulaklak sa bawat gilid. Pinarisan ko ng hugis bulaklak na kwentas at earings.
Tumulong na rin ako sa pagprepare. Magagamit ko pala ngayon ang bikini'ng binigay sa akin ni Pau. Ilang oras ay dumating sina Pau kasama ang boyfriend niyang si Ronni.
“ Happy birthday, Marikit.” bati sa akin ni Pau at sabay na bumeso sa akin. Hindi ko nakita si Trigger. Hindi ba nila iyon inimbitahan? Siya kaya ang special guest ko pero di pa dumating.
“ May hinihintay ka?”
“ W-wala. O sige pumasok na kayo sa loob,” aniya ko pa at pilit na ngumiti.
Minsan na nga akong mag-celebrate ng birthday di pa sumulpot ang special guest ko. “, He's not coming, sinusuyo niya kasi si Monica.” saad ni Pau sa akin Ang sakit!
Kunti lang ang bisita ko. Mga pinsan ko lang sa mother at father side ko at ang mga jowa nila. At yung bestfriend kong si Pau. Maya-maya ay dumating si papa na may dalang cake. Sinalubong ko si papa at sabay na bumeso sa kaniya.
“ Happy birthday, anak.” bati niya pa sa akin.
“ Salamat po, papa.”
“ Nasaan ang mama mo?”
“ Nasa kusina po nagluluto ”
An hour passed by. Nakatupis narin ako. Umupo ako sa pool at nagpatiwasay sa tubig. Masaya ang lahat ngunit ako ay nakasimangot lamang. Di kasi dumating ang hinihintay kong guest. Umahon ako sa pool at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa kusina.“ O? Bakit nandito ka anak? Samahan mo ang mga pinsan mo don sa pool area. Ako na ang bahala dito.”
“ Kakain lang po muna ako, ma.”
Agad akong umupo sa lamesa.Nilagyan ako ni mama sa plato ko ng kanin at fried chicken.Mga ilang sandali ay narinig ko silang nagsihiyawan sa pool area. Nakyuryos ako kung bakit sila naghiyawan.
Habang naglalakad ako papunta sa pool area ay namilog ang mga mata ko nang makita si Trigger kasama ang girlfriend niya. Aakitin kita ngayon, Trigger bahala na kung kasama mo ang linta mong girlfriend. Wala akong pakialam don.
Tinanggal ko ang suot kong blazzer at rumampa papunta sa pool area. Napaawang ang bibig ni Trigger nang makita ako. Panay ang pagkagat ko sa aking labi. Sige, mahumaling kapa sa akin, Trigger mamamatay talaga sa inis ang girlfriend mo.
Naghiyawan ang mga pinsan ko lalo na't si Pau. “Bestfriend ko iyan!” sigaw ni Pau at mas lalo akong napangiti nang makita ko ang lintang girlfriend ni Trigger. Ang sama nitong makatingin sa akin.