Episode 3

1047 Words
Ngayong araw ang pagkikita namin nila Nick at Jennifer. Pumayag na din ako. Wala din naman saysay kung iiwasan ko sila. Magkru-krus din naman ang mga landas namin kahit ano’ng iwas ko. Ngunit ganoon naman yata kahit anong pagpipigil ko sa sarili na hindi mainis na makita silang masaya. Hindi ko  maiwasang kagaya ngayon. Kung maglambingan sa harapan ko para akong hindi narito. Napapairap na lang ako ng lihim. Akala ko dinner naming tatlo ito, pero tila ba hindi ako nag-eexist sa paningin nila. Sana pala hindi na lang ako pumayag kung ganito naman, out of place ang beauty ko. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila na ngayon ay naghahalikan na kahit smack lang iyon nasasagwaan ako. Dito talaga sa harapan ko! " Guys, baka lumamig na itong food., kain na tayo.” wika ko habang nakapaskil ang pekeng ngiti ko sa labi. Ngunit sa kaloob looban ng damdamin ko nagpupuyos sa galit ang dibdib ko. Ayokong mainis ngunit hindi ko maiwasan. “Oh, sorry ito kasing si Nick parang ewan.” hinampas ni Jennifer ng mahina sa balikat si Nick. Napatawa naman ang huli. “Bakit ano naman masama sa ginawa ko? I can’t resist to kiss you.” natatawang wika ni Nick kay Jennifer na ngayon ay namumula na ang pisngi. Napakuyom ako ng kamao. Manhid ba sila? Hindi ba nila alam na nasasaktan ako sa ginagawa nila? Hindi na lamang ako kumibo. Wala naman epekto sa kanila kahit hindi ako magsalita. Parang sila lang ang narito. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pagkain.  " Oh, bakit ang sama yata ng timpla ng mood mo? Umagang-umaga ganyan kaagad ang bumungad sa akin?"wika ni Dyani ng dumating ito . Pumanga lumbaba ako habang nakatingin sa kawalan. " Nakakainggit si Jennifer buti pa siya kahit hindi na nag-effort minahal siya ni Nick. Samantalang ako halos lahat na ginawa ko na para lang ipakita na karapat dapat ako sa pagmamahal niya. Pero napaka manhid at bulag ang lalaking iyon." nakasimangot na sabi ko. " Oh, eh, alam mo naman pala ang sagot bakit ipinipilit mo pa ang sarili mo sa kanya. Puwede ba Kaye move on ka na. Maraming lalaki diyan hindi lang si Nick. Ikaw lang din ang may kasalanan alam mong taken na ang tao pero mas pinipili mo pang umasa. Gumising ka nga Kaye sa katotohanan. He will never love you. Tapos!" sabi nito. Madaling sabihing kalimutan ko na siya pero mahirap gawin. Itong puso kong pasaway hindi pa rin niya nalilimutan ang nararamdaman para kay Nick. Gusto ko ng magmove on pero tila ba ayaw ng puso ko. " I will try" matipid na sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ng kaibigan ko. " Gawin mo hindi puro sa salita lang. Kapag ipinagpatuloy mo ang lintik na pagmamahal na iyan, ikaw ang masasaktan sa huli. Sinasabi ko sa iyo." tumayo na ang kaibigan at naiwan akong nag-iisip. Sabi ko nga I will try. I can't promise to myself na ganoon ko lang kadali malimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Naalimpungatan ako ng may tumatawag sa phone ko. Tiningnan ko ang oras. It’s 10 PM Tiningnan ko ang tumatawag. It’s Nick "Hello?" sagot ko. "Good evening po Ma'am. Pasensyan na po sa istorbo. Ikaw na po natawagan ko kasi kayo iyong nasa unahan ng list ng contact number ni Sir. " sabi nito. Nangunot ang noo ko nang hindi si Nick ang nasa kabilang linya. " Sino po sila? " tanong ko sa lalaki. " Bartender po ako sa isang bar. Lasing na lasing po kasi si Sir. Malapit na pong magsara ang bar Ma'am. Dito lang po sa Grill Bar Makati." sabi ng taong tumawag sa akin. Alam ko ang bar na iyon. Doon palagi kami nagpupunta kapag nagse-celebrate ng kaarawan si Nick. " Sige Kuya pupunta po ako diyan."I ended up the call. I wore pants and t-shirt. I brought my jacket. Kinuha ko ang susi ng kotse ko.  Nakarating ako ng maayos dahil wala naman traffic. Pumasok kaagad ako sa loob ng bar. Nakita ko ang bartender na tumawag sa akin dahil sa tabi nito si Nick na nakadukdok sa may lamesa.  Bakit naglasing ang lalaking ito? Nasaan ba si Jennifer hindi man lang niya asikasuhin itong nobyo niya. Tinawagan ko ang numero ni Jennifer ngunit out of coverage area. Nagpatulong na lang ako na buhatin si Nick sa barteder para dalhin sa sasakyan ko. Ibinilin ko na lang sa manager ang kotse ni Nick. Ano bang nangyayari sa lalaking ito at nagpakalasing ng ganito. Napatingin ako kay Nick ng umungol ito at may binanggit na pangalan. " Jen, mahal na mahal kita" sabi ni Nick. Napabuntong hininga ako. Nasasaktan ako kasi kahit ganito ang situation niya pangalan pa rin ni Jennifer ang binabanggit niya.  Natural magkasintahan sila. Sabi ng isip ko.  Nagpatulong ako sa guard ng condo para dalhin sa unit si Nick.  Inayos ko ang pagkakahiga nito sa ibabaw ng kama. Inalis ko ang suot niyang sapatos at kinumutan. Nag-stay muna ako ng ilang minuto bago umalis. Habang nakaupo sa gilid ng kama hindi ko maiwasang titigan si Nick. I miss him. I caressed his face. "Sa ganito ko lang kayang ipadama sa iyo ang pagmamahal ko, Nick. " sabi ko. Hinalikan ko siya sa noo. Sana malimutan na kita para naman hindi ko maramdaman ang sakit sa puso ko. Nangilid ang luha ko. Aalis na sana ako nang may humawak sa braso ko. Napalingon ako. " Stay here don't leave me." pakiusap na sabi nito sa akin. Bigla niya akong hinila kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Napahawak ako sa dibdib nito. Gusto ko sanang kumawala ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Pinakiramdaman ko si Nick. Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa. Naramdaman kong nag-iba ang paraan ng paghaplos niya sa akin naging mapaghanap. Hindi ko maitatanggi na tinatalaban ako at nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Umangat ang ulo ko kung kaya’t sinamantala niya. Sinakop ng labi niya ang labi ko. Nawala na ako sa huwisyo. Wala na sa akin kung tama ba ito or mali.  Sa bilis ng pangyayari pareho na kaming hubad sa ibabaw ng kama. Nagpapalitan ng halik sa isa't isa. Pinagsaluhan namin ang mainit na gabi.Copyright © 2021 by coalchamber13  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD