Kabanata I: "This is just all of a sudden that you will go with me?"

1285 Words
Five years later... "Aurora!" "Dash?" Nagtataka ko siyang tiningnan dahil sa presensya niya ngayon dito sa airport at may dala pa itong maleta. "What are you doing here with a luggage?" "I'm going with you in Philippines." Ipinakita pa nito ang palne ticket na hawak. "Okay but why?" Nakataas na kilay na tanong ko. "This is just all of a sudden that you will go with me?" "Y-Yeah." Napakamot-ulo pa ito. "Actually, Korea is already bore me so I'm going with you to take a two weeks vacation." "You sure?" Paninigurado ko dahil parang nagpapadalos-dalos lamang ang lalaking ito. Noong isang araw lamang ay tinanong ko siya kung gusto niyang sumama pero ang sagot niya sa akin ay... "Do you want to go with me in Philippines?" "No, thanks. I love being here in Korea and I have lot of works to do in here." "Of course, I am sure. Let's go now before we late to our flight!" Mukha namang sigurado ang lalaking ito na sumama sa akin pabalik ng Pilipinas kaya hinayaan ko na lamang. Halos limang taon akong nag-stay sa Korea at ni isang beses ay hindi ako umalis ng bansa at ngayon ko lamang napagdesisyunan na bumalik. Kung hindi lamang importante ang dahilan ng pagbabalik ko ay hindi ako aalis ng Korea dahil okay na ang buhay ko roon. "Ma, napatawag ka." "Masama na bang kamustahin ang anak ko? Halos ilang taon na rin hindi ka namin nakikita malamang miss ka na namin." May halong pagtatampo pa ang tono nito. "Miss ko na rin kayo riyan. Kamusta si papa at si bunso?" "Okay naman kami rito, iyon nga lang ay may malaki kaming problema." Biglang nag-iba ang tono niya na medyo ikinabahala ko. "May sunog na nangyari sa kapitbahay kahapon lamang at alam mo naman ang mga bahay rito ay dikit-dikit kaya pati iyong sa atin ay nadamay." "What!" Hindi ko naiwasan ang hindi mapasigaw sa gulat. "Nasaan kayo ngayon, ma?" "Saan pa nga ba, eh, nandito kami sa nasunog nating bahay. Naghahanap nang mga gamit na pwedi pang magamit." "Pabayaan niyo na iyan, Ma. Ichi-check-in ko kayo ngayon kaagad sa hotel pansamantala at kakausapin ko si Iashly para matulungan kayo humanap ng bagong bahay-" "Anak, hindi ka ba pweding bumalik na rito? Kailangan ka namin ngayon." Nang marinig ko ang malumanay na pakiusap ni mama ay bigla akong natigilan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Anak, nandiyan ka pa ba? Ayaw mo na bang bumalik dito?" Napabuntong-hininga na lamang ako ng sa wakas ay nakabalik na ako ng Pilipinas. Medyo nakakapanibago lamang at hindi ko maramdaman na welcoming ang atmosphere sa paligid ko. "Smile ka naman diyan," sambit ni Dash na may baong energy galing Korea, "Magtatagalog na ako dahil nandito na tayo sa ating bayang sinangag." "Sinilangan iyon!" Inirapan ko na lamang siya habang napapailing. "I'm just kidding. Pinapatawa ka-" "Ma, pa!" Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi niya at mabilis na tumakbo sa gawi nila mama ng makita ko sila na may hawak na banner para sa akin. "Huy, Miss, huwag mong nakahrang ka sa banner namin. Baka hindi kami makita ng ate ko." Suplado na sambit ni Aian suot ang pinakamamahal niyang headphone. "Nandito nako sa harapan niyo!" Tumindig pa ako ng pagkaganda-ganda sa harapan nila pero dedma lang ang beauty ko. "Miss, adik ka ba?" tanong ni mama, "Nakikita mo itong picture rito sa banner namin? Iyan ang anak ko kaya umalis ka na sa harapan namin at baka hindi kami makita ni Aurora." "Iyong ate ko chaka hindi maganda," dagdag pa ni Aian. Ouch sa chaka, huh! "Aurora!" tawag ni Dash mula sa likuran, "Ginawa mo pa akong tagahila ng maleta mo." "Aurora?" Gulat na bulalas nilang tatlo ng marinig ang pagtawag ni Dash sa pangalan. "Ay, hindi baka kapangalan." Pilit na denial ni papa na ikinairap ko. "Pagpasensiyahan mo na sila. Minsan talaga ay medyo OA." Mahina kong bulong kay Dash na nakatayo sa gilid. Actually, hindi ko naman sila masisisi kung hindi nila ako mamukhaan dahil malaki na ang pinagbago ko. Hindi rin ako nagpapadala ng mga pictures sa kanila o kahit mag-post sa social media accounts ko ay hindi ko rin ginagawa. "Kung hindi lang kayo nasunugan ay hindi ako aalis ng Korea para sa inyo," sambit ko ng sa ganoon ay magkarron na sila ng idea na ako nga anak nila. "Jusmiyo, Aurora, ano ang nangyari sa iyo!" Bulalas ni mama na mukhang naniniwala na. Paulit-ulit pa nilang tiningnan ang dati kong picture na nasa banner na ginawa nila. Itinabi pa nga nila ito sa akin na pinagkokompara ang dati kong itsura sa ngayon. "Alam kong marami kayong tanong at don't worry dahil magpapaliwanag naman ako-" "Aba, dapat lang na magpaliwanag ka, Aurora Trinidad!" "Pero hindi rito, Ma. Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito." "Excuse me po." Epal ni Dash na nakataas ang isang kamay kaya naman lahat sila ay napatingin sa gawi niya. "Kung hindi niyo na mamasamain ay mayroong malapit na restaurant dito. I would like to invite you to go there and don't worry po kasi libre ko naman." "At sino naman ang lalaking ito?" tanong ni papa na matalim ang tingin kay Dash. "Huwag kayong malisyoso dahil kaibigan ko lang si Dash. Mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong niyo at nagugutom na talaga ako." Gaya ng offer ni Dash ay pumunta kami sa restaurant na malapit lamang sa airport at sagot niya lahat ng kinain namin. Alam kong hindi dapat ako mailang dahil pamilya ko sila pero parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa kung paano sila tumitig sa akin. Ni hindi kami masyadong nag-iimikan sa lamesa at ganoon na rin si Dash na mukhang nakakahalata sa tensyon na namamagitan sa lamesa namin. Pagkatapos naming kumain ay humiwalay na siya sa amin habang kami ng pamilya ko ay nag-check in pansamantala sa hotel. Para akong kuneho na nakaupo sa kama habang silang tatlo ay nasa harapan ko na parang tigre na nag-aabang ng mga paliwanag ko. "Where will I begin?" tanong ko na hindi sigurado kung saan mag-uumpisa. May mga paliwanag ng tumatakbo sa isipan ko pero hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko. "Umpisahan mo kung ano dahilan bakit nagkaganyan ka, Aurora." Halos mangiyak-ngiyak na tugon ni mama, "Pumunta ka lang ng Korea at pagbalik mo mukha ka na ring koreana." "Ma, correction hindi koreana. Koreanang hilaw iyan si ate." Kontra ni Aian na abala sa paglalaro ng video games sa cellphone. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Ayoko ng maramdaman pa ang panliliit ko para sa sarili ko, Ma, at alam kong alam ninyo kung ano ang pinagdaanan ko bago ako lumipad papunta Korea." Pag-uumpisa ko. "Oo nagparetoke ako dahil ito lang ang alam ko na paraan para hindi malugmok sa mga insecurities na mayroon ako. Mukha ko lang naman ang nagbago at ako pa rin naman si Aurora na pamilya niyo." "Limang taon kang nasa Korea, Anak, pero ni hindi mo man lang ipinaalam sa amin sa mga oras na nagkakausap tayo." May pagtatampo sa tono ni papa na biglang nagparamdam sa akin na ma-guilty. Alam ko namang mali ako sa ginawa ko na hindi ko ipinaalam sa kanila pero hindi rin naman nila ako masisisi. Ipinalawanag ko sa kanila ang lahat ng gusto nilang malaman dahil deserve nilang malaman ito. Walang kulang, walang labis ang mga sagot ko sa tanong nila at nakakagaan ng loob dahil nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Aaminin kong hindi ako masyadong sanay sa bago kong itsura lalo na nandito na ako sa Pilipinas. Sa Korea ay medyo okay pa dahil walang masyadong nakakakilala sa akin doon pero rito ay kaialangan ko ng malaking adjustment sa mga taong kilala si Aurora na isang panget.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD