Keziah pov Tatlong linggo na ang lumipas mula nang umalis si senyorito Raven. Hindi ko alam kung nasaan na si senyorito nagsuot. Pagkatapos ng naging usapan sa may niyogan kinagabihan umalis na siya sakay ng kanyang helicopter. Baka umuwi na ng Maynila o baka nagalit na yon sa akin kaya lumayo nalang. Maikli lang naman pala ang pasyensya nun, matampuhin pala. Marunong pala siyang magtampururot ng bongga lipad agad. Sana all kapag nagtampo makakalipad kaagad. Sana naging manang nalang ako, manananggal para kaya kong habolin si manononggal. Bahala siya sa buhay niya, walang pilitan dahil wala naman pala kaming marriage certificate. Ibig sabihin hindi naman pala kami tunay na mag-asawa. Hindi na umuwi sa Tuguegarao ang mga bata dahil lumipad na sila pauwing Canada. The sextuplets traveled

