Keziah pov Maayos akong nakarating sa Tuguegarao, masaya ako dahil nakauwi ako ng maayos. Nasusuka ako sa loob ng bus tinulongan ako ng dalawang matanda. Nilagyan nila ako ng efficascent oil. Mabuti nalang at may mabait na tao akong nakasabay sa aking pagbyahe. Nang mapalapit na ako sa hacienda Del Rocca sa itaas ng mansion nakita ko ang helicopter ni senyorito Raven. Katulad ng dati na kapag bumibisita siya dito sa mansion sa itaas ng mansion lumalapag ang kanyang helicopter. Alam kong sinusundan niya ako kaya dapat hindi niya ako makita. Hindi ako umuwi sa bahay namin para hindi kami magpang-abot. Kaya ang ginawa ko ay bumalik ako sa lungsod. Nagpakahirap akong tumakas tapos magpapahuli lang ulit ako. Alam kong natakot siya sa kanyang abuela kaya nag-aksaya siya ng oras para puntahan a

