Keziah pov Maaga akong nagising dahil masamang panaginip na aking nakita. Kinuha ng magaling na lalaki ang aking anak. Sobra ang iyak ko sa aking panaginip. Akala ko totoo, nang magising ako basa pa yung unan ko sa luha. Hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Nakikipag-video call nalang ako kay ate Sofia at ate Rexine. Tawang-tawa sila sa ikinwento ko, good jod pa nga daw ako na iniwas si Kenjie sa ama nito. Pagkatapos naming mag-usap umaga na, sumisilip na sa bintana ang lawiswis ng araw. Naisipan kong magluto para sa umagahan namin. Sanay na ako sa kusina dahil hinahayaan naman ako ni Tita Lorina na tumulong sa pagluluto. Inuna ko muna ang para sa strawberry cupcakes. Saka ako nagayat para sa macaroni soup. Nagluto na rin ako ng the juicy adobo na nakakaubos ng kanin. Malapit ng maluto an

