--* MAKI POV SA MGA SUMUNOD na araw, nag-plano na akong akitin si Uncle Alex. Tama si Mika, kailangan kong makaganti kay Justin. Sa pamamagitan ng tiyuhin niya at pagbigay rito ng sarili ko. Ewan ko na lang kung hindi magalit si Justin kapag nalaman niyang binigay ko sa tiyuhin niya ang inaasam-asam niyang virginity ko. Hindi siya makapaghintay na ibigay ko ang sarili ko sa kanya, pero pumatol pa siya sa kaibigan ko. Ito ang ganti ko sa kanya. Gumagawa na ako ng paraan para maakit ko ang napaka-hot na Uncle ni Justin. Hindi ko ito nagawa noong nag-inom ako dahil bigla akong tinamaan ng hiya nang mahuli ako ni Uncle Alex. Pero ito, sigurado na ako at buo na ang loob kong akitin siya. Nagsusuot na ako ng mas maigsing short at sando. Para makita niya ang kaseksihan ko at ang alindog

