Chapter 7

1295 Words
--* UNCLE ALEX POV PAGLABAS KO NANG kusina, huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasan maalala ang maputing singit ni Maki. Hindi ko man gustong makita iyon. Pero nakita kona lang bigla dahil nakataas ang isang paa niya sa bangko. Parang lalaki kong umupo. Hindi na naisip, na puro kami lalaki sa bahay. Kaya nga pinaghiwalay ko sila ng kwarto ni justin para walang mangyari. Pero ang babaeng 'yon ay walang pag-iingat. Napailing na lang ako at iwinaksi ko sa aking isipan ang nakita. Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil girlfriend siya ng pamangkin ko. At matanda na ako para sa gano'n. Hindi ko dapat pinagnanasaan si Maki dahil masyado pa siyang bata para sa akin. Singkwenta na ako, para makaramdam ng libog sa isang bata. Matagal na rin ng huli ako makipagsex sa babae. Pero hindi ko naman iyon hinahanap at nakapukos lang ako sa negosyo ko. Hindi dapat ako tumitingin sa iba dahil si Julieta lang ang nasa puso ko. Kahit matagal na siyang patay. Paglabas ko ng bahay ay sinalubong agad ako ni dodong, ang tauhan ko. " Boss. Dumating na si sir Anton. Tapos na daw ba ang kotse niya?" " Oo tapos na. Kahapon pa." Sagot ko saka humigop ng kape. Sa tagal kong pagiging mekaniko ay marami na akong suki dahilan para hindi ako mabang-krupt. Marami ang nagkakagusto sa serbisyo ko dahil maganda at maayos ang pagkakagawa ko. Kapag suki ko, ako talaga ang umaayos at hindi ko inaasa sa mga tao ko. Para maayos ang gawa at hindi ako mapahiya. Maayos rin naman ang gawa ng tao ko. Pero kapag mga suki ko talaga ay ako ang umaasikaso. " Sir Anton. Buti dumating na kayo. Kahapon pa tapos ang kotse niyo." Nakangiti kong sabi ng makalapit sa suki kong hapon. Matagal na siya sa Pilipinas kaya marunong ng magtagalog si sir Anton. " Mabuti naman, Alex. Kailangan ko na kasi 'yan gamitin." Sabi naman nito. " Pwede mo ng kunin sir Anton. Maayos na ang kotse mo." Wika ko sa kanya sa pormal na tono. Tatlong araw kong inayos ang kotse niya. Medyo grabe lang ang sira kaya umabot ng tatlong araw. Pero kapag malala, umaabot ng isang linggo o kaya dalawang linggo. Kaya naman ay binayaran na ako ni sir Anton. " Salamat sir." Sabi ko habang hawak ko na ang bayad niya. " Sige alis na ako, Alex. Salamat ulit." Nakangito nitong saad kaya tumango ako. Maganda palagi ang kita ko sa araw-araw. Kaya hanggang ngayon ay may trabaho pa rin ang mga tao ko. Hindi naman ako na ze-zero sa araw-araw. Pero kung minsan ay matumal. Hindi naman kasi palaging pasko, kaya't nagiging matumal rin kung minsan. Pero sa awa ng diyos, buhay pa ang talyer ko. Matagal na rin ng itayo ko ang talyer. Buhay pa ang misis ko. But still, kumikita pa rin naman. Kapagkuwan ay natuwa ang mga kolokoy dahil may kumisyon sila sa kita. Kapag kasi rush ang nagpapaayos sa talyer, may kumisyon sila. Lalo na kapag nagpuyat 'din sila sa pag-aayos ng sasakyan. Minsan talaga ay napupuyat kami kapag nagmamadali ang customer. Pero kapag gano'n, nagpapadagdag ako ng presyo. Para may maipasahod ako sa mga tao ko. Binigay ko na ang kumisyon nila dahilan para matuwa sila. " Yown! Salamat boss." Sabi ni Dodong. " Salamat boss." Sabi ng dalawa. Si boboy tulig at si kalbo. Si kalbo ang matagal ko ng tao, kaya siya ang minsan inaasahan ko sa talyer. Yung dalawa naman, medyo bago lang. Pero maaasahan rin at masipag. " Sige, balik nasa trabaho." Sabi ko dahil may inaayos silang sasakyan. Bukas na kasi kukunin ng mga may ari. Maya-maya ay natigilan ako dahil may tinitignan ang mga kolokoy. Paglingon ko ay nakita ko si Maki sa may porch habang nakatayo at nakatingin sa labas ng bakod. " Ang ganda at ang sexy talaga ng girlfriend ni Justin. Napaka-swerte niya." Narinig kong bulong ni Dodong habang nakatingin sa dalaga. Parang hindi naman kami pansin dahil nakatingin siya sa labas ng bakod. " Oo nga, ang swerte niya. Kung ganyan lang ang girlfriend ko. Ang swerte ko talaga." Sabi naman ni kalbo dahilan para paghahampasin ko sila ng towel sa balikat ko. " Mga gago! Girlfriend ng pamangkin ko. Pinagnanasaan niyo pa." Mariin na sabi ko sa kanila. " Boss naman. Masama bang humanga? Ang ganda at ang sexy ng girlfriend ni Justin." Hirit pa ni Dodong kaya sinamaan ko sila ng tingin dahilan para bumalik na sila sa kanilang mga trabaho at tumingin ako sa dalaga. Sakto namang tumingin siya sa akin dahilan para magkatitigan kaming dalawa. Ngumiti pa siya sa akin ng matamis bago pumasok sa loob ng bahay. Napamura naman ako sa isip dahil parang may bigla akong naramdaman sa katawan ko. King ina, hindi pwede ito. Girlfriend siya ng pamangkin ko. Hindi ko dapat ito nararamdaman sa kanya. Dahil sa nararamdaman ko, nagpukos na lang ako sa trabaho ko. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng sasakyan. Hanggang sa dumating ang gabi. Oras na para magluto ako ng kanin dahil hindi ko maasahan ang dalawa sa pagluluto. May natira pa namang ulam kanina at iyon na lang ang uulamin namin ngayon. Dinadamihan ko na ang pagluluto. Para sa gabi ay kanin na lang ang lulutuin ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita kong nagtutupi ng damit si Maki habang nanonood ng palabas sa TV. Panay ang tawa nito dahil nakakatawa ang palabas. Nakaupo siya sa sahig habang nasa sofa naman ang mga damit. Hindi ko alam kong bakit siya dito nagtutupi. Pwede naman sa loob ng kwarto niya o kaya doon sa maids room. May katulong kami dati, pero noong nabubuhay pa ang asawa ko. Ngunit ngayon kasi ay hindi na ako kumuha ng katulong. Kaya ko naman magluto. May kinukuha lang akong tao sa paglilinis ng bahay at labandera. Pero dahil nandito sa bahay ko si Maki, hindi ko na pinapapunta si manang betchay. " Bakit dito ka nagtutupi?" " Uncle!" Gulat na baling sa akin ng dalaga. Nanatili lang siyang nakaupo sa sahig dahilan para makita ko na naman ang malaki niyang s**o. " Ahm, bawal po ba?" Tanong pa niya, kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa mga s**o nito at baka mapansin ng dalaga. Parang biglang sumikip ang suot kong short. Napalunok at tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko, para kasing unti-unti nag-iinit ang katawan ko dahil sa nakalitaw niyang cleavage. " Hindi naman. Pero may maids room. Bakit hindi ka do'n magtupi?" Napanguso naman ang dalaga. " Boring po kasi do'n. Inaantok po ako." Sagot nito. " Okey, tapos dalhin mo agad sa kwarto ko ang mga damit ko." Utos ko. " Okey po, uncle." Sagot nito saka tumingin ulit sa tv ang mga mata at nanood. Ako naman ay huminga ng malalim saka umalis na. Pumunta ako sa kusina para magsaing. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa batang 'yon? Parang nag-iinit at nalilibugan ako. Matagal na panahon ko na iyon hindi nararamdaman simula ng mamatay ang asawa ko. Pero ngayon, muli ko na namang naramdaman, dahil kay Maki. Hindi naman niya ako direktang inaakit dahil natural sa kanya ang magsuot ng gano'n. At hindi ko siya pinagbabawalan. Ako lang talaga ang naaakit sa kanya. Parang mga tao ko lang. Nalilibugan sa dalaga, dahil maganda at seksi si Maki. Kung baga ay perfect body ang katawan nito. Malaki ang s**o, balingkinitan at malaki ang balakang. Kaya naman ang mga tao ko ay parang asong ulol kapag nakatingin sa dalaga. Hindi ko pinapalabas ng bahay si Maki dahil pinag-papantasyahan siya ng mga tao ko. Ewan ko, naiinis ako. Kapag nakikita kong pinagnanasaan siya ng iba. Siguro, anak lang ang turing ko sa kanya. Kagaya kay Justin, na ayaw kong mapahamak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD