Chapter 13

1076 Words

--* MAKI POV PAGSAPIT NG ALA-SAIS nang gabi, lumarga na ako patungo sa bahay ng kaibigan kong si Janine. Nainis pa ako kay Justin dahil 'di man lang niya ako sinabay patungo doon. Samantalang dala niya ang kotse ng tiyuhin niya. Ang akala pa naman ni Uncle Alex ay isasabay ako ng gago. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Lalo na kanina dahil siya ang pinaghugas ng mga pinagkainan namin kaninang umaga at tanghali. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Kung alam ko lang na magiging ganito kaming dalawa. Hindi na lang sana ako sumama sa kanya dito at nanatili na lang ako sa bahay namin. Kaysa naman ganito, nasasaktan ako sa pagiging malamig niya sa akin. Hindi lang ako pumayag makipag-s*x sa kanya, nagagalit na siya. Huminga ako ng malalim habang nakasakay ako sa taxi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD