CHAPTER 8: CINDY?

1615 Words
KULOT POV Nang tuluyan nang gumaling si Kuya Prime sa kanyang lagnat ay nagpaalam na din kami kay Aling Bing na babalik na kami sa Maynila para ituloy ang aming mga pinagkaka abalahan sa buhay na doon. "Naku mag iingat kayong magkapatid ah", mangiyak ngiyak na yakap nito sa aming dalawa. "Balik kayo dito pag may oras kayo ah, pag namatay ako dapat andito din kayo ah. Mamimiss ko kayong magkapatid" "Wag naman kayong magsalita ng ganyan Aling Bing, hahaba pa ang buhay nyo". "Oh sige na baka magmakaawa pa akong huwag muna kayong umalis, alam ko naman na malaki na kayo, alam kong nasa tamang landas kayo sa mga buhay na tinatahak nyo ngayon". Napalingon ako kay kuya Prime at tinignan kung anong magiging reaksyon nya sa tinurang iyon ni Aling Bing na sobrang taliwas sa buhay na meron kami ngayon; hindi tamang landas pero ito lang alam naming gawin sa ngayon para ipaghiganti ang aming bunsong si Clifford. Gaya ng inaasahan ay hindi tinablan ng konsensya si Kuya, ngumiti lamang ito ng pilit at muling niyakap ang matanda. "Sa oras po na maling landas man ang tahakin namin ni Kulot ay sana mapatawad nyo po kami Aling Bing", wika nito. "Pero tandaan nyo po na ano mang ginagawa namin ay para lang ang mga ito sa aming bunsong kapatid". "Aalis na kayo ulit?". Tanong naman ng bagong dating ni si Naneng. Naka kunot ang noo nitong tila dismayadong hindi na mauulit ang ginawa naming pagpapa init sa kama sa kasagsagan ng ulan. Wala syang kamalay malay na tinaningan na nito ang kanyang buhay nang pumayag itong tattoo han ko sya dahil sa ginawa nitong paggapang sa hubot hubad na katawan ni Kuya Prime at ang pag alok ng kanyang maalindog na katawang babae sa akin nung hapon na iyon. Hindi nya aakalain na kami ni Kuya Prime ang naging alagad ni kamatayan para tuluyang angkinin ang kalandiang tinataglay ng kanyang kaluluwa sa likod ng di makabasag pinggan nitong pagkatao. "Oo Naneng, hintayin ka namin doon ah". Pinilit kong labanan ang inis na nararamdan ko sa mga babaeng kagaya nyang hindi makuntento sa isang lalaki na gaya ni Cindy. Sinikap ko syang ngitian at salubungin ang naka ambang yakap nito para sa amin ni Kuya. "Ma mi-miss ko kayong dalawa, balik kayo ah". May lungkot sa boses nito sa aming biglaan na paglisang mulin dito sa aming probinsya. "Oo nag apply ako sa ibang bansa, mag process na lang ako para sa medical ko, daanan ko kayo doon, pwede naman daw may tattoo sabi sa agency namin basta maliit lang at hindi kita". "Aba kung ganun dapat sumabay ka na sa amin ngayon nang maghilom na yan agad agad", suhestyon naman ni Kuya. "Para habang naghihintay ka ng tawag mula sa agency eh gumagaling na din yan. Malay mo pampa swerte mo pala ang gagawing tattoo netong si Kulot eh maunahan mo pa mga kasamahan mong makalipad". "Parang atat na naman kayo sa akin ah, nauna pa ata kayong maka miss sa akin eh di pa kayo nakaka alis", biro pa nito. "Ipagpaliban nyo na muna kaya ang pag alis nyo ngayon at ipagpa bukas na lamang ninyo. Magkape muna tayo mamayang gabi sa bahay nyo, at magpa init sa kwarto.". "Jusko itong dalagang ito, naririnig mo ba ang iyong sarili?", suway naman ni Aling Bing sa tila mapanuksong wika ni Naneng. "Wag mong tuksuhin ang dalawang binatang ito at nang baka maligaw pa sila ng landas". Napa sign of the cross pa si Aling Bing nang marinig ang maharot na biro ni Naneng. Tumalikod na si Aling Bing para kunin ang binabalot na kakanin ni Angelo sa loob bilang pabaon nito sa amin pabalik ng Maynila. "Kape ba oh ibang painit ang gusto mo?". Kako. "Mamimiss ko ang mga naglalakihang kahabaan nyo Primo at Kulot". Tila sinusubukan nitong libogin kami para hindi namin ituloy ang pag alis, pero malas nya at hindi napapawi ng init ng katawan ang mas naglalagablab na galit sa mga puso namin ni kuya Prime sa mga babaeng kagaya nya. "Kung gusto mo eh di hatid ka na namin sa impyerno", Naka ngiti pa ring sambit ni kuya. "Hayaan mo at mag iipon si Kulot ng gatas para pang krema ulit sa kape mo". Kung pakikinngan lamang sana ni Naneng ang mga laman na pasimpleng pagbabanta sa mga binibitawan naming salita ni Kuya Prime ay may pag asa pang magbago ang isip nito para magpa tattoo pero mas nangigibabaw ang kagustuhan nito na maangkin muli nya ang aming mga p*********i. Mas inuuna nito ang tawag ng kanyang laman kesa sa mga premonisyon ng kanyang napipintong pagkakasakit at pagkamatay na nakapaloob sa aming mga sinasabi. Sya ang nag naghahabol sa kanyang sariling kamatayang ano mang oras ay pwede naming ipagkaloob sa kanya. "Oh eto na", inabot sa amin ni Aling Bing ang isang bilaong kakanin na hindi din naman namin makakain at matatambak lang sa ref pero hindi na namin tinanggihan bilang respeto na rin namin sa kanyang pagmamabuting loob sa aming mag kuya. "Masarap yan, kainin nyo pag magkakape kayo sa hapon pagkatapos ng mahabang araw". "Salamat po Aling Bing sana ay humaba pa ang buhay nyo". Pagpapasalamat namin ni Kuya at kumaway na kami para makaalis na kami. Magka akbay kaming dalawa ni Kuya. Muli naming lilisanin ang lugar na ito. Hindi namin alam kung kailan ulit kami babalik. Baon namin ang kakaning gawa sa pagmamahal ni Aling Bing at ang galit na nabuo mula sa lanyang ipinahid ng mga marahang haplos ni Naneng sa aming hubad na balat. ...... Tambak na mga inquiries ang sumalubong sa akin sa tattoo shop pagkarating namin sa Maynila isang linggo na ang nakalilipas, kaya naman pagod at ngawit ang mga braso ko hanggang balikat sa pagtata tattoo. Kahit ang araw ng linggo na nakalaan sana para sa aking pahinga ay nagamit ko na rin para doon sa mga sabik nang magpa tattoo o masilayan ang aking gwapong muka at matipunong katawan. Kumikita na din ang aking monetized na page na ginagamit ko sa pagla live na mejo malaki laki rin na syang nagagamit ko sa pagbili ng mas magagandang uri ng ink at kagamitan kaya naman marami nang nahihikayat na sa akin na magpa tattoo. Patulog na ako nang may mag message sa isang cellphone na para lang sa mga nag aavail ng extra service nakalaan. Nireplyan ko lang sya para kausapin tungkol sa bayad, tanungin ang kanyang edad at kung pwede ko syang isama sa pagla-live habang tinatattoo han ko sya at nagulat ako sa sunod nyang reply. "Pwede po ngayon na mismo? Malapit lang po kase ako sa location, hindi ako sinipot ng boyfriend ko dahil busy sya sa trabaho, nag iinit lang ako pag nakikita kitang nakasando habang nagta tattoo". Napatingin ako sa oras; alas onse na ng gabi at mag aalas dyes na ako natapos sa huli kong customer pero dahil isa syang target client ay umoo na lamang ako at tinungo na ang banyo para maligo. Napadaan ako sa chiller at napa maang ako nang makita kong ubos na ang mga lalagyan ng mga likidong galing sa laboratory nila kuya na naglalaman ng mga iba't ibang uri ng sakit na syang pinagbababaran namin ng karayom bago gamiting pang tattoo sa mga ganitong klaseng customer. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Kuya. "Kuya p u t a bad news, may na approved ako na target client pumayag ako sa request na ngayon na sya magpa tattoo eh wala ng laman yung mga lalagyan, ano gagawin ko?". "Ay syet hindi ko na check kulot", Rinig ko ang paulit ulit nitong pagmumura sa kabilang linya. "Ganito gawin mo na lang". "Ano gagawin kuya?". "Sarapan mo ang pagbayo, yung hindi nya makaka limutan tapos sabihin mo balik na lang sya bukas ng ganitong oras, basta balik sya pag alam mong uuwi na ako kontakin mo na sya,sigurado may dala na ako bukas ng gabi. Sarapan mo kulot, lasapin mo para siguradong babalik yan". Ramdam ko ang panghihinayang ni Kuya Prime na hindi namin magawang isagawa ang balak namin sa babaeng ito. Pero sa ngayon ay yun lang ang magagawa namin at nakasalalay sa performance ko sa kama kung babalik pa ito kinabukasan. Sayang din ang malanding babaeng ito, isa pa sya sa mababawas dito sa mundong mga hindi makuntento sa isang lalaki. ..... Balot na balot ang babae nang dumating ito sa shop at maghahating gabi na. Naka face mask ito,naka sumbrero at naka black sunglasses pa. Paos ang boses nitong nakwento nyang dahil ito sa kasisisgaw nya kanina. "Bale extra service muna gawin natin ngayon tapos balik ka bukas ganitong oras saka kita tattoo han okay?, pero yung bayad dapat maibigay mo na ngayon". Mejo lasing ito. Naka boxer na lang ako nang sinalubong ko sya sa pinto. Una nyang tinanggal ang suot nitong sumbrero nang makarating na kami sa kama. Nilingkis na nito agad ang kanyang mga brasong may mga tattoo na rin sa aking leeg. Kulay pulang led lights lang ang nagpapaliwanag sa buong silid at ang ring light na nasa lamesita sa tabi ng ulunan ng kama. Ako na ang nagtanggal ng suot nyang shades at nang magtanggal na ang kanyang face mask ay hindi ko na nagawang tignan ang kanyang muka dahil sa agad na nya akong hinalikan habang hinihila nya ako tungo sa kama. Puno ng kasabikan ang halik nitong amoy alak. Natapat na ang aming ulo sa bandang ring light at nang huhubarin ko na sana ang kanyang suot na damit ay nanlamig ang aking buong katawan nang makilala ko ang kanyang muka. Ang babaeng puno't dulo ng lahat ng aming pangungulila sa aming bunsong kapatid na si Clifford. "Cindy?????"...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD