Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 40 [Leeyah POV] Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kahapon. Talaga bang ginawa niya iyon? Pero, papaano? Nakakapagtaka. Nawala siya sa ulirat at ganoon na lang ang nangyari. Gulat na gulat rin ang mga kaibigan niya sa ginawa niya sa lalaki. Tinatanong siya kung papaano niya ginawa iyon pero wala siyang maisagot. Nawala na lang siya bigla sa ulirat at ganoon na ang nangyari? Ganyan ba siya kapag nagagalit ng husto? O baka naman may sumapi sa kanya? Nasa opisina siya ngayon at nagtatrabaho. Pinasyahan nilang magkaibigan na hindi pupunta muna sa venue ng event para humupa konti ang iringan ng magkabilang grupo. Okay na rin iyon dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanila at ganoon na rin siya, Malabo na magaayos sila agad-agad. H

