Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 52 [Leeyah POV] “For the team! Let’s cheers to our success!” “Cheers!” Nandito sila sa food bazaar para i-celebrate ang kanilang pagkapasa as full-time employee ng kompanya. Dahil sa sobrang saya nila, nag-order sila ng maraming pagkain at hindi na rin maiwasan na mag-order ang iba ng beer. Iniabot sa kanya ang isang basong may beer. Agad siyang umayaw. “Try mo naman, Lee! Hindi naman ito nakakalasing.” “Pero, baka malasing ako at baka magalit si Ate at mama pag nalaman nila na nakainom ako ng beer or alcoholic drinks?!” “Leeyah, kaya nga tayo nandito para mag-celebrate. At adult ka na so pwede ka ng magdesisyon anong gusto mo. Nakakasakit bang uminom kahit ilang baso lang?” si Nico talaga unang promoter sa kanila. “Oo nga, Le

