Uncensored Series 2: The Wife's Lost Memories Chapter 44 [Leeyah POV] Ilang oras ng paghihintay, ay natapos na rin sa paghahanda ang restaurant ni Dean. Nagmamadali man pero sobrang napahanda siya sa pagiging professional ng lahat ng mga staffs nito. Nang ibinalita niya kina Jenny, Lily at Nico na may tutulong na sa kanila, sobrang saya at laking ginhawa na marinig ang magandang balita. Kung 'di lang talaga sa tulong ni Dean baka hopeless na sila sa rejections na natatanggap nila. Dalawang truck ang ginamit para ihatid ang mga nakahandang pagkain. May inilatag din si Dean na mga tauhan para maging server sa event. Ang sabi nito, kailangan nilang sabihin sa boss nila ang nangyari para alam nito ang sitwasyon at pagbabago ng caterer. Nakakatakot man sabihin ang totoo kay Sir William per

