Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 50 [Leeyah POV] / / / / Hingal na hingal siya. Takbo siya ng takbo pero, naririnig pa rin niya ang mga yabag ng mga paa na habol ng habol sa kanya. “Pinipilit mo pa rin ang sarili mo. Ilang pakiusap, hindi ka pa rin nakikinig.” Parang siyang nasa isang malaking maze na kahit saan man siya magpunta, hindi niya alam saang daan siya pupunta at kailan siya makakalabas sa ganitong madilim at nakakatakot na lugar. “Pinilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya.” Naririnig na naman niya ang mga yabag papalapit sa kanya. Takbo na naman siya kung saan-saan. Sino ba ito? Bakit siya hinahabol? Anong kailangan nito sa kanya?! “Binantaan na kita sa anong magiging mangyayari kapag hindi ka nakinig. Pero, sinunod mo pa rin ang gusto mo.” “Hindi k

