Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 37 [Leeyah POV] Sa wakas nakompleto na din nila ang paghahanap ng mga caterer para maipresent at maipakita sa kanilang boss. Buti na lang pinayagan sila ng kanilagn supervisor na mag-undertime dahil sa sobrang hectic ng schedule para ma-settle na lahat sa gaganaping event sa sabado ng gabi. Dahil sa nangyari kahapon na nakita niyang kausap ni Nicholas at ang babaeng nagngangalang Valerie, mas ginusto niya na sama-sama silang pupunta sa office para hindi maka-tiyempo ni siya o si Nicholas man lang na magkasalubong o magusap. Kahapon pagkauwi nito sa bahay, hindi siya nagpahalata na nandoon siya at nakikinig sa paguusap ng dalawa. Tahimik pa rin ito at wala naman nagbago sa kinikilos nito. Pero siya, dahil sa nangyaring ‘yon nasama s

