Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 20 [Leeyah POV] “Dalian mo, Ate!” “Papaano ako uusad may truck sa harapan natin?!” “Serbato mo kaya, Ate?” “Ano?! Huwag kang atat. Gusto mo yata makahanap pa ako ng kaaway ditto! Ayan kase, ba’t na-late ng gising? Ayan tuloy napasama tayo sa traffic.” Hindi siya makatulog ng maayos kagabi. Yes, ng dahil sa boss niya. Sa kagustuhan niya na siya mismo ang sasauli ng pinahiram nitong pantulog sa kanya, imbes na matuwa napalitan naman ng takot dahil sa mga narinig niya. Hindi naman niya sinasadya na marinig ang pinagusapan ng dalawa kahapon pero nakakapanindig balahibo na kaya pala ni Nicholas na manakit ng tao? Hindi siya sigurado kung totoo o nadadala lang ito sa damdamin pero nararamdaman niya sa tono nito na parang seryosong maga

