Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 48 [Leeyah POV] Sunday at day off niya ngayon. Dahil sa sobrang pagod sa pagaasikaso ng founding anniversary event kahapon, napagpasyahan niya na magpahinga siya buong araw sa kwarto niya. Wala naman siyang plano lumabas ng bahay o may bibilhin sa labas. At tiyaka pagkauwi niya kahapon, naramdaman na niya ang p*******t ng kanyang katawan. Sobrang trabaho ang ginawa nila kahapon na sa paghiga niya sa kama, hindi niya namalayan na anaktulog nap ala siya at hindi na nakapagpalit ng damit. Okay lang dahil ang suot naman niya ay ang pinakamagandang damit na binigay sa kanya ng mabuti niyang kaibigan. Successful ang ginawang event. Malaki ang pasasalamat nila na kahit na may matinding problema pinagdaan ang grupo nila, nairaos naman nila

