Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 27 [Leeyah POV] “Helena!” sabi ng babae ng makita siya. Parang may pagkagulat na excited sa mukha nito. Nilapitan siya nito at iniinspeksyon ang kabuuan ng katawan niya. Hindi siya makapagsalita at makakilos dahil hindi niya alam anong nangyayari at hindi niya alam papaano siya makakalayo rito. Nawe-weirduhan kasi siya sa ikinikilos nito. At sino si Helena? “Kumusta ka na?! Wala na bang masakit sa ‘yo? Na-miss talaga kita! Alam mo ba ilang taon ako naghihintay na makita ka ulit?! Magaling ka na o may nararamdaman ka pa rin?” Nilapitan naman ang kasama nito at hinihila papalayo sa kanya. “Tigilan mo nga iyan! Nakakahiya!” “Anong nakakahiya?! Nakalimutan mo na ba siya? It’s her!” “Alam mo tumigil ka na. Nakakahiya kay Leeyah!” “

