Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 60 [Leeyah POV] “I’m ready.” Kaumagahan, maaga siyang nagising at naghanda. Kailangan ihanda ang sarili para sabihin sa mga kaibigan niya ang totoo. Pero sa totoo lang, dahil naging maaga siya dahil hindi siya medyo nakatulog. Kinakabahan siya sa magigin reaksyon nila ‘pag sinabi niya ang totoo. Pero hindi dapat mauna ang kaba niya dahil kapag naunahan siya ng kaba at hindi niya masabi ng diretsahan, mauunahan siya ng babaeng iyon at siguradong sigurado siya na magiging chismis ito sa buong opisina. Basta ang tanging itanim niya sa kanyang isip ay wala siyang ginagawang masama at wala siyang inaapakang tao. Kahit may koneksyon ang kapatid niya sa itaas, hindi siya humingi ng tulong para makapasok ditto ng hindi nararanasan ang pagh

