Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 81 [Leeyah POV] Sa huli, tinurn-down niya ang invitation ni Albert. Dahilan niya ay may dinner meeting si Nicholas sa isang kakilala nito. Buti naman hindi na siya kinulit pa nito at buti na rin naman sa kanya dahil makakapagpahinga na rin siya ng maaga dito sa hotel. Pagbalik niya sa hotel room, nag-chat sa kanya ang mga kaibigan niya nagtataka kung bakit wala siya sa opisina. Sinabi lang niya na pinadala siya ni Sir William sa isang business trip at uuwi two days from now. As usual, good luck at may pahabol pa na pasalubong ang gusto ng apat. Aba, siyempre naman! Uuwi ba siya na walang dala para sa mga totoong kaibigan niya? And she’s sure na chi-chika ang mga iyon anong pinagkakagawa niya rito. Well, ayaw niyang magyabang kaya hi

