Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 16 [Leeyah POV] Tapos na siyang maligo. Kahit masyadong malaki sa kanya ang pinahiram nitong pantulog, okay na rin ito kesa wala siyang maisusuot. Hindi sana niya ito susuotin dahil sa paghalungkat niya sa cabinet, nakita niya ang isang pares ng pantulog. Panigurado itong pambabae dahil kulay skyblue ito, isang t-shirt at shorts at pagisinukat niya, saktong-sakto lang sa kanya. Pero hindi na lang kasi baka isipin ni Sir Nicholas na makati ang kamay niya o ayaw niya sa pinapahiram nitong damit. Pero teka nga muna kung magisa lang ito sa bahay, bakit may isang pares ng pantulog na pambabae ditto? Baka may jowa ito? Or baka naman ex-girlfriend at iniwanan lang iyon para makita ni Sir Nicholas? Naku, dapat pala hindi na siya mangialam.

