sa kababasa ko ng libro kamuntik ko nang malimutan na halos maggagabi na at hindi pa rin ako lumalabas. kaya't bumangon na ako at sinimulang maglinis at ayusin ang gamit ko sa maliit kong kwarto. muntik ko pang maapakan ang alaga kong pusa, at muntik din ako nitong makalmot dahil sa gulat. binuhat ko ito at pinalabas.
pinagmasdan ko ang kuwarto ko at mistula itong binagyo dahil sa nagkalat na damit ko na pinaghubaran at sa maliit kong lamesa ay ang aking pinagkainan. unti unti kong pinulot sa sahig ang mga kalat, pinunasan ang lamesa at sinimulang ligpitin ang kama. pagtapos ng mahabang paghiga sa aking kama ay tuluyan na din akong lumabas sa aking kuwarto.
Hindi ko pa naisasara nang maayos ang aking pintuan ay sinalubong ako nang malakas na kulog at kidlat. tumaas nang bahagya ang aking mga balahibo sa biglaang gulat.
"tila uulan na naman," wika ko.
Pagkatapos ng malakas na kidlat ay nagpatuloy akong naglakad pababa nang hagdan papunta sa sala kung saan nakaupo ang aking pamilya.
sa pagbaba ko nang hagdan ay nakita ko ang salamin na nakasabit katapat lamang nito.
pinagmasdan ko ang akin mga matang kulay luntian, sabi sa google 2 percent lamang ang may mga taong katulad nang aking mga mata sa buong mundo. ngunit ni isa ay wala pa akong nakikita na may mga luntiang mata na tulad ko.
at nagpatuloy na ako sa sala.
"Ang preskong hangin lang talaga ang pinaka gusto ko sa probinsya natin ma." wika ko, at sabay diretso sa kusina.
"Mabuti naman at bumaba ka sa kwarto mo zephyr, bakit ba ang hilig niyong magkulong sa mga kwarto niyo. mga kabataan nga naman," wika ni mama.
kinuha ko ang thermos at tasa upang magtimpla nang kape.
"wala din namang gagawin dito-" kinuha ko ang kutsara at hinalo ang kape, "-kaya't nagbasa na lang ako. kailan ba ang uwi natin?" tanong ko kay mama.
"kakapunta lang natin dito gusto mo na agad umuwi?" pagtatanong niya.
"wala naman kasi akong magawa dito ma," pagdagdag ko.
"kung ganon ay ikaw na ang mag grocery bukas nang makapaglakad lakad ka naman,"
dahil wala nga namang talaga akong magawa ay tinanggap ko ang utos ni mama.
paubos na ang aking kape nang nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan, ang lamig nang hangin ay talagang nanunuot sa aking mga balat at mistulang nagtayuan pa ang aking balahibo. pagtapos kong hugasan ang tasa ay umakyat na ako sa aking kwarto at tuluyang nakatulog sa pagbabasa at dahil na rin sa lamig nang gabi.