Inabot na ng gabi kakawentuhan sina Dale at Jessy, tumambay muna kasi si Jessy sa condo ni Dale kasi wala siyang prof sa last subject niya. Naikwento na halos lahat ni Dale sa kaibigan ang lahat lahat ng tungkol sa kanya. Pati sa naging buhay niya habang lumalaki siya. Nakinig lang naman ang kaibigan niya na halos di rin makapaniwala sa kwento niya. "Hmmmm.. Bestie.. May itatanong ako.. " "Ano yun Dale?" "Makikinig ka lang? Wag ka tatawa? Bawal ang violent reactions?" "Baliw ka friend.. Kanina pa tayo nag uusap dito o. Ginabi na nga tayo.. May violent reaction ka bang narinig saken?" Pagbibiro pa ni Jessy. "Baka kasi mandiri ka e. O baka masuka ka. Basta.." "Ha? Teka? Ano ba yan? Is that about cannibalism? Or eating shits? " "Wag ka ngang OA Jess! Naman ee..." "Okay.. I'll just l

