Past 7pm na nakarating ang mga Sy sa family owned hotel nila para sa kanilang dinner. Dumeretso na sila agad sa private reception para narin maaga silang makapag usap para sa plano nila sa pagtuntong ng college ng kanilang nag iisang anak. Nasa kalagitnaan sila ng dinner nila ng mag salita ang daddy ni Dale.
''We are all here, i think this is the right time for us to talk about the things we need to discuss to you my princess.'' Nakangiti ulit ang Don na tiningnan din ang asawa nito bago sumulyap kay Krystin.
''Ohh Dad please.. Stop calling me a princess. You can call me pretty or adorable instead.'' Krystin Dale gave her father a sarcastic laugh.
Ayaw niya kasing tinatawag parin siyang princess ng mga magulang niya. Para kasi sa kanya, malaki na siya at di na dapat tinatawag na princess.
''Ang baby namin, talagang nagdadalaga na.. Come here little princess. Give your mommy a kiss.'' Sabi ng mommy niya na tatawa tawa pa sa inakto ng dalaga.
''Mom! Dad! Puhhhhleeeeeeeaase.. I'm already 16 now okay? Come on.. I'm not a baby anymore.'' Krystin Dale rolled her eyes.
Sweet naman si Dale, pero pag nasa labas ayaw niyang naglalambing ng ganun ang mommy at daddy niya. Nahihiya siya na baka isipin ng iba na masyado siyang napapababy.
''What now daddy? You promised me about my freedom in choosing a course on college right? No more bodyguards.''
''Right daddy?' Naglalambing na sabi nito.
"Well. Me and your Dad already talk about that baby. You know we love you right?"
"We're just concern about your safety, and we cant afford to loose you baby. Ikaw na lang ang meron kami ng daddy mo. And.. We have decided.......'' Pabiting sabi ng mommy niya.
"Mom? Dad? Not again please. I can take good care of myself now. I'm big enough to handle things. I know you both love me. But please. Will you guys trust me on this? I'll be careful, I promise.. Please?"
"Come on Dad, say something.'' Parang naiiyak na sabi ni Dale. Di na niya alintana kung ilang please na nasabi niya mapapayag lang ang mga magulang niya sa gusto niya.
Matagal na niyang gustong mamuhay ng normal kagaya ng ibang tao at ibang babaeng kagaya niya. Di naman siguro masamang hilingin niya ito ngayon dahil matagal na sunod lang sya ng sunod sa mga gusto ng magulang niya ng walang kahit anong reklamo galing sa kanya.
''Mom. Promise i'll be a good girl. I wont do stupid things. I'll be carefull. Just please. Let me."
"Dad?'' Paulit ulit niya pang sabi.
''Let me finish baby.'' Natatawang sabi ng mommy niya habang nakatingin sa asawa niya na napapangiti na rin sa mga sinasabi ni Krystin Dale.
Naluluha pa ring nagpapalit palit ng tingin si Dale sa daddy at mommy niya. Naghihintay ng kung anong sasabihin ng mommy niya.
"Napapayag ko na ang daddy mo baby. But.. You will enroll at Willford High. Para na rin nasusubaybayan kapa rin namin. Dun din naman mag aaral mga pinsan mo eh, and because we are one of the share holder and we owns the biggest part of that University mapapabantayan kapa rin namin without giving you bodyguards which you hates the most."
"Kakausapin ng daddy mo ang board to discuss this matter asap. But dont worry." her Mom paused.
"No bodyguards. Just promise me one thing okay? No boyfriends.'' Dagdag pa nito.
Tuwang tuwang nilapitan ni Dale ang daddy at mommy niya at pinupog ng halik. They can see the happiness of their daughter in her eyes. Walang mapagsidlan ang saya nito ng malaman ang desisyon ng parents niya. Naisip ng mag asawang Sy na siguro time narin na maging masaya at malaya naman ang anak nila, kasi after ng college, business naman nila ang hahawakan nito. Halos 16 years narin kasi nilang tinatago ang anak nila for her safety at wala naman silang narinig na pagtutol dito.
''Thank you mom, dad. I'll be careful. I can promise you that. Saka wala pa sa isip ko ang boyfriend boyfriend na yan no, you can both count on me. You already promised me dad ha.. No bodyguards.''
"Sa wakas malaya na ako. Magkakaron na ako ng new set of friends. At wala ng susunod sunod sakin. Shocks! Cant wait." Dale.
Natawa pa ang mag asawa sa sinabi ng anak nila.
"Just please. Be a good girl okay? Dont hesitate to call me and your mom when you needed something. And always bring with you your phone. We'll check you any time we're free."
''Yes daddy, i love you.'' And she kissed her dad saying thank you.
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naiayos narin ng daddy niya ang lahat para makalipat siya ng maayos sa University na papasukan niya. Habang sila naman ng mommy niya ay namili at nagprepare ng mga gamit na dadalhin niya sa bagong condo na pagsstay yan niya. Hindi related ang family niya sa may ari ng condo kung san siya magsstay habang pumapasok siya ng college. Wala rin naman nakakakilala sa kanya kaya okay lang na dun siya magstay. Maganda na rin yun para sa kalayaan niya na hiniling sa daddy niya. Maayos ang security at malinis naman ang condo na yun kaya yun din ang napili niya at malapit pa sa university kaya walang hassle. Isa pang dahilan kaya yun ang pinili niya ay dahil tahimik. Ayaw niya kasing maingay at may nakakaistorbo sa kanya kapag oras ng pahinga niya.
Kanina pa siya nakangiti habang nasa harap ng university na papasukan niya. Maaga siyang nagising dahil sa excitement niya sa first day niya bilang isang normal na studyante. Para na siyang baliw na nakatitig sa mga labas masok na studyante na pawang mga mayayaman. Ang gaganda at ang gagwapo pa. Halos ata lahat ng studyante dito may kanya kanyang sasakyan at personal driver pa. Pero di nila alam na mas masaya siya kasi wala siyang driver. Siya mismo ang mgddrive kahit san niya pa gustuhin. Wala pang alalay na bubuntot sa kanya o magbabawal ng kung ano ano sa kanya. At eto sya ngayon. Nakangiting sinasalubong ang unang araw niya bilang isang normal at malayang studyante.
Pagpasok pa lang niya ng gate halos nakatingin lahat sa kanya. Pati yung guard pautal utal at nagpapacute na binati siya.
''What's wrong with them?''
Pinanlakihan niya lang ng mata ang nadaanan niyang grupo ng mga lalaking studyante na halos tumulo ang laway na nakangagang nakatingin sa kanya.
Kailangan niyang maging matapang at siguraduhing walang mang aapi sa kanya. Ginusto niya ito kaya naman paninindigan niya sa mga magulang niya na kaya na niyang protektahan ang sarili sa mga taong gustong manakit sa kanya.
''Damn. She's hot.''
''Fvk. Tiningnan ako dude! May dyosa pala dito bat ngayon ko lang nakita. From what family did she came from?''
Ilan lang ito sa mga narinig niya.
Kahit ata babae napapatitig sa kanya at pinagbubulungan siya. Naiilang tuloy siya.
''Gosh. Ganito ba talaga sila tumingin. Parang mangangain. Weird. Parang anlaswa pa nila tumitig.'' At binilisan niya na lang ang lakad niya papunta sa first subject niya.
Buti nalang at di siya nalate. Pagpasok niya sa pinto ng room nila, tahimik at nakatingin lahat sa kanya.
''Ganito ba talaga lahat ng pumapasok sa university na 'to. Ang weweird nila huh. Wala naman akong dumi sa mukha at mas lalong di naman ako pangit." Sigaw nito sa isip at dere deretsong pumasok nalang siya.
She's taking Bachelor of Science and Tourism Management. Ito ang napili niyang kurso na sinang ayunan din naman ng Daddy at Mommy niya.
Dumating na rin ang prof nila. As usual, ayun pakilala na isa isa. First time niya to kaya excited sya. Sya ata ang weird.
''Hi, Im Dale Evangelista. 16......''
Wala na siyang naidugtong dahil narin sa hiya, first time niya kasi at napatingin nalng din sya sa mga weird nyang classmate na wala ng ginawa kundi tingnan sya mula ulo ng paa. Napangiti na lang siya at bumalik na sa upuan niya.
''Gosh. Nakakahiya. Para akong hinuhubaran sa mga tingin nila. God please help me. Kaya ko 'to. Ito naman ang gusto ko e." Bulong niya sa sarili niya bago ngitian ang mga classmates niya.
Halos lahat ng classmate niya may mga kaya at kilala ang mga pamilya. May ari ng naglalakihang corporations, hotels at yung iba pa anak ng mga sikat at mga pulitiko. Pero siya, ang alam lang nila nasa ibang bansa ang mga parents niya at namumuhay lang itong mag isa at padalaw dalaw nalang sa kanila pag may vacation days. Naniwala naman sila dahil sa kutis at kulay ni Dale na inakala pa nilang banyaga. Halata kasi sa itsura ng dalaga lalo na sa singkit nitong mata.
Marami narin syang nakilala. Maraming lumapit sa kanya para makipag kaibigan, ikinasaya naman nya ito at masayang nakipag kilala sa mga ito.
Papalabas na siya ng makita nya sa hallway ang pinsan nyang si Brent, nakipagbeso naman siya ito at nakipag batian, alam ni Brent ang sekreto niya. Maliit palang din kse halos sila, sila na ang magkakasama.
''Krrys..... Dale! Hi couz. How are you.'' Napahawak pa ito sa bibig nya. Muntik na kasi itong madulas at matawag sya sa first name niya.
''How's my goddess cousin? Grabe pinsan, andami kong naririnig tungkol sayo ahhh. Tinalo mo pa ang artista.'' Nakangiting sabi nito.
''Hey Brent. Err! They look really weird.''
''Is there something wrong with my face? How do i look?''
"Am i ugly?" Nagsusungit pero nakangiting sabi niya kay Brent.
''Relax Dale, ganyan lang talaga mga yan. Para ka kasing diwata na kakalabas lang ng kaharian nyo, yan tuloy. Ngayon lang nila nasilayan ang ganda mo. Hahahahaha!'' Pang aasar pa ng pinsan niya na inakbayan sya habang naglalakad.
''Shut up Brent! Ginawa mo pa akong taong kweba!'' Sabay tingin ng masama sa kanya.
''Dont worry my Princess ako bahala sayo dito. You are like my little sister. No worries.'' Pabulong na sabi nya dito habang naglakad papuntang canteen.
Sino din ba ang hindi makaka kilala sa pinsan nitong si Brent Villamor. Kilala din ang pamilya nila sa Shipping Business like her mom. At dahil sa gwapo ng mayabang at basagulero na pinsan niyang yun ay kabilaan ang mga girlfriends nito. Nung nagpaulan ata ng kayabangan at pagiging babaero ay nasalo lahat ito ng pinsan niyang si Brent.
Ang pinsan niyang mahilig sa basag ulo sa dami ng kinasasangkutan nitong away sa loob at labas ng university. Pero dahil sa pangalan nitong Villamor ay maraming takot ditong makabangga siya dahil sa impluwensya na din ng mga Villamor sa pulitika. Kahit pa ang tito niya na daddy nito ay di sya kayang patinuin. Ahead lang ito sa kanya ng dalawang taon at sikat itong varsity ng football team ng university nila.