MITCH'S POV Busy ang schedules ko ngayon. May biglang meeting kasi sa office ni kuya. Kailangan andun ako. 10 am pa naman yun kaya nakapasok pa ako sa dalawang subjects ko. Pumasok rin ako ng maaga para palihim kong ilagay ulit ang mga Tulips na para kay Dale. Busy din siya sa school. Tutok talaga sila sa incoming competition. Nakita ko lang siya masaya na ako. Di na niya ako napansin kasi busy siya. Pero okay lang. Napansin ko pa na parang may problema siya. She looks upset. Pati tuloy ako nahahawa. Hay.. ayoko pa namang nalulungkot siya. Katatapos lang ng meeting namin sa board kasama si kuya. Magkakaroon kasi ang company ng isang malawakang expansion. Nakakatuwa lang na lalong nagiging okay ang takbo ng company namin. Palaki na rin ito ng palaki. Nakababa na siguro ang eroplano ni

