DALE'S POV Napakabusy naman ata ni Mitch. Di man lang ako pinupuntahan dito sa condo, samantalang dati bigla bigla na lang siyang susulpot dito. Di kaya nagsasawa na siya? O may iba na siyang gusto? Nalungkot ako sa naisip kong yun. Bahala nga siya! Di dun na siya sa bago niya kung meron man. Bahala siya. Alam ko namang maraming babae yun. Bwisit siya. Matawagan na nga lang sina Daddy at Mommy. Saturday naman ngayon e. Uuwi muna ako sa bahay, naiirita lang ako kapag nandito. This past few days kasi napaka weird ng mga nararamdaman ko. Lalo na pagdating kay Mitch. Gusto ko siyang makita lagi at makasama kagaya nung mga unang araw na kinukulit niya ako. Pero parang nagbago dahil bihira ko na siya makita. Nagpapadala pa rin naman siya ng mga pagkain at bulaklak pero parang kulang pa. Gus

