JADE TALLIA Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Thunder at nakatayo naman siya sa aking harapan. Pinaikot ko siya upang makita ang kabuang itsura nito. "Mommy, I don't... think this is... right," nakangiwing saad ng aking anak. "Why? You look great, my love," kunot-noo ko na sambit habang pinapagpagan ang baseball t-shirt nito at inayos din ang cap sa kanyang ulo. "My loves, car's rea---" napahinto si Zander nang sumungaw ito sa pinto. He smiled. "What do we have here? Bakit complete uniform na si Thunder?" "He has a match today, remember?" "Yes. Pero sa hapon pa iyon at sa mismong school na siya magbibihis." Lumapit sa amin si Zander at tinanggal ang cap ni Thunder. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa closet. "Iyong red team shirt muna ang isusuot niya sa umaga kasi may palaro na iba

