JADE TALLIA SANDOVAL Dalawang araw pagkatapos naming magkabalikan ni Zander ay tumungo kami sa kanyang ina upang ipaalam ang desisyon namin. She is very happy. "Nagpaluto ako ng adobo. Dito nalang kayo mag-stay muna para maka-bonding ko naman kayo." "Opo, 'ma. Dito kami mag-i-stay ngayong gabi. Balak ko na ipa-rent nalang ang condo ko," sagot ko. "Ah, mainam naman. Magpapatayo pa ba kayo ng bahay?" Hinawakan ni Zander ang kamay ko na nasa ibabaw ng kanyang hita. "Hindi na po. Gagamitin nalang namin ang pinatayo na bahay ni Tallia sa Cavite." "Ah! May kalayuan iyon, ah." "Naisip namin na mas makakabuti sa magiging pamilya namin na malayo sa siyudad. Pero malapit pa rin naman iyon sa maynila kaya makakabisita pa kami sa iyo, 'ma," sagot ni Zander. "I'm fine! Masyado kayong nag-aalala

