Freed 1

1039 Words
"Wait, magbibihis lang ako. Di mo naman siguro ako ipapahamak dun diba?" paninigurado ko pa sa kanya habang nakangisi. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Of course not. Trust me Lee." ngumiti naman siya pabalik sa akin. Nagtungo na ako sa kwarto ko at daliang nagbihis. Shirt lang yung pinalitan ko kaya andali ko lang nakalabas papunta pabalik sa kinaroroonan nila. Tiningnan naman ako ni Kuya Brent at parang nagtatanong kung nagbihis ba ako. "Hindi na ako nagpalit ng jeans." paliwanag ko kaya tumango na lang siya. "So? Let's go?" tanong niya sa amin. Tumango lang kami pareho. Nauna nang pumasok si Klein sa backseat kaya naisipan ko na lang na tumabi kay Brent sa front seat. Mahirap na at baka magpatayan pa kami sa loob ng kotse. Tahimik lang yung biyahe habang binabaybay namin yung kahabaan ng daan. "A lot had change." pagsisimula niya naman habang nakatuon pa rin yung tingin sa daan. "Kuya, naaalala mo pa rin ba si Ate nia?" napangiti siya dahil sa sinabi ko. "Malamang Lee, kilala ko pa rin yun." napatingin ako sa salamin sa itaas at nahuli kong nakatingin si Klein sa akin pero agad rin siyang lumingon sa labas nung nahalata niya ang pagsilip ko rin sa salamin. "Naninigurado lang ako noh dahil baka bitter ka pa rin ngayon." nakanguso kong saad sa kanya habang nakatingin sa daan. "Hindi na noh. Noon lang yun." seryosong sabi niya. Si Ate Nia lang kasi ang talagang sineryoso at minahal ni Kuya Brent noong High School pa siya. Kilala ko na yan si Brent, lahat ng kapalpakan at kalokohan niyan noon halos ay memoryado ko na. Pareha lang sila ng kapatid niya na babaero at chick boy pero ang pinagkaiba nga lang, mabait si Brent sa akin. Hindi tulad niyang si Klein na palagi lang akong kinukutya at nilalait sa tuwing may pagkakataon siya. "Bakit Lee? Ano bang nangyari kay Nia?" nagtataka niyang tanong sa akin. Nawalan na rin sila ng kuminakasyon dahil sa pag-alis ni Brent papunta sa states. Tapos nung tinanong ko pa siya tungkol sa kanila nung minsang tumawag siya ay tanging tawa lamang yung sinagot ni Brent sa akin. "Ewan ko Lee, di ko alam." dagdag pa niyang sagot noon saka siya tumahimik. Hanggang sa ayun nabalitaan ko na lang na wala na sila ni Ate Nia nung nagkwento si Kuya sa akin. Hindi rin naman niya sinabi kung bakit kaya di ko na lang rin tinanong. "Ikinasal na siya bago lang rin." balita ko pa. Nababakas ko sa kanya yung pagkagulat pero hindi niya lang pinahalata. "I'm happy for her. Nahanap niya pala yung talagang para sa kanya. I am not the right man for her baka talaga ay sa iba ako nakalaan." ngumisi siya pero alam kong may kakaiba sa ngiti na iyon. Natahimik ako at napatuon na lamang yung atensyon ko sa gilid ng daan. "Ikaw Lee, kumusta na yung crush mo?" napatingin ulit ako sa direksyon niya. Hindi pa rin mawala sa daan yung mga mata niya habang kinakausap ako. "Ha?" nagbibingi-bingihan naman ako na tila ba wala akong naririnig. "Noong high school ka pa, palagi mo ka yang kinukwento sa akin ang tungkol kay Zeus." napaawang ang labi ko. Gusto kong sumagot pero wala naman akong mahanap na isasagot o kaya ay sasabihin ko. Nakakainis dahil binuko niya ako sa harap ni Klein. Isa kasi iyon sa mga barkada niya na palaging nagpupunta sa kanila. Inaamin ko namang nagagwapohan talaga ako sa lalaking iyon pero hanggang doon lamang yun. Wala akong gusto sa kanya dahil magkaugali sila ni Klein na puro kalokohan lang ang alam. Kung mabait siguro iyon ay nagustuhan ko pa siya. "Brent naman kasi! Sinabing di ko yun crush! Nakwento ko lang siya." kapag kasi naiinis na ako sa kanya ay Brent na lang yung itatawag ko. Napakagat labi ako saka sumandal sa window glass. Basta, kadalasan ay Brent yung tawag ko sa kanya at may time rin nag nagkukuya ako. "Tss. Huwag ka ng umasa dahil hindi ka magiging type nun. Kilala ko na yung si Zeus." narinig ko naman si Klein kaya agad kong binaling yung atensyon ko sa kanya. "Bakit? Sino bang maysabi na type ko siya? Wala akong pakialam kong anong klaseng babae yung type niya. Wala akong pakialam kung hindi niya ako type." nangagalaiti ko namang sagot pabalik kay Klein. Binelatan ko na lang siya kahit sa totoo lang ay gusto ko na talaga siyang suntukin. Noon pa lang, siya na yung palaging binebwesit ako. "Alam mo ang hilig ni Zeus ay yung mga babaeng maputi, seksi, tsaka maganda kaya malabong magiging type ka nun. Ang pangit mo kaya, naalala mo pa mukha nung barbie mo Leian? Ayun magkamukha kayo, pareho kayong pangit." Maputi? Di naman ako maitim ha? Hindi ko namang masasabing seksi ako pero di rin ako mataba. Kung makapangit naman siya, akala niya naman kung sinong gwapo siya. "Wala akong paki! Bahala siya sa buhay niya kung sino man ang type niya. Tsaka kung makapaglait kang pangit ako, akala mo naman ang gwapo mo na. Akala mo naman may abs! Saka ka lang mangutya kung may abs ka na." saad ko pa. "May abs kaya ako! Bakit? Gusto mong hawakan?" umirap ako. "Guni-guni mo lang yun. Ikaw pa rin yung batang payatot." sabi ko saka tumingin sa kanya. "Ikaw kasi! Kung ano-ano yung ineembento mong kwento." piningot ko yung isang tenga niya kaya napasigaw siya sa sakit. "Oo na! Joke lang yun Lee." sabi niya nung nabitawan ko na yung tenga niya. I rolled my eyes dahil sa narinig ko. Magkapatid nga talaga silang dalawa. "I'm sorry Lee." lumingon ako kay Brent at ngumiti siya sa akin. Hanggang sa napadapo yung mata ko sa kamay niya habang hawak yung sa akin. Bigla na lang tumibok yung puso ko. Alam kong normal lamang na tumibok ito pero tila kakaiba yung pagtibok ng puso ko ngayon. Wala pa rin bang nagbago sa nararamdaman ko kahit ilang taon na ang nakakalipas? "Leandra Mortez, I promised you, di na kita iinisin pa. Alam mo namang mahal kita. You are a little sister to me." ngumiti ako pero sa loob ko ay siya namang pagkirot ng puso ko. Heto na naman ba yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD