" Ma'am, meron po kayong bisita."
Natigil siya sa pag akyat sa kanyang kwarto nang tawagin siya nang kanilang katulong.
" Sino?"
Tanong niya kasi wala naman siyang inaasahan na bisita.
" Nasa gazebo po, kausap ni sir Terence."
Nagtataka siyang pumunta sa gazebo, ibinaba lang niya ang bag sa sofa. Habang papalapit, nakita niya ang ama na meron lalaki na kausap na nakatalikod.
" Hi, Dad."
Bati niya, noon naman humarap ang kausap nitong lalaki. Parang namutla siya nang makita ang lalaki na pilit niyang inaalis sa kanyang isipan.
" Come here, Lav."
Tawag sa kanya ng ama, kaya bantulot siyang lumapit sa mga ito. Humalik muna siya sa pisngi nito. Bago tinapunan ng tingin si Nikko na nakamasid sa kanya.
" Lav, I want you to meet Nicholo Aragon. He will be your new bodyguard."
Pakilala ng kanyang ama, halis malaglag ang panga niya sa sinabi nito.
" What? How about Travis? I'm good with Travis, Dad."
Pagtanggi niya sa ama. Nahuli pa niya ang pagsupil ng ngiti ni Nikko.
" Agency full him out. In assign siya ni Logan sa bagong kliyente."
" But, dad."
" Recommended siya ng Tito Theo mo. And he has a good background, Lavin. Actually, he doesn't need this job. And for sure, he will not kidnap you. They have money."
Agad na putol ng kanyang ama. Kung alam lang nito ang ginawa nila.
" Same as Travis Daddy. Bakit hindi na lang ikaw ang tumanggap nang assignment ni Travis, by the way?"
Baling niya dito na nakamasid lang sa diskusyon nilang mag ama.
"Hindi ako pwedeng maging bodyguard nang aking kapatid. Imposible iyon."
Sinamaan niya ito ng tingin, I reserba na lang niya ang kanyang sasabihin kapag hindi niya kaharap ang kanyang ama.
" Pasok na ako sa loob, dad."
Paalam niya sa ama, inirapan muna niya si Nikko bago siya umalis sa gazebo.
Saka lang niya pinakawalan ang sigaw na kanina pa niya pinipigilan. Kasabay ng pagsara nang pinto ng kanyang kwarto.
" Unbelievable! It's ridiculous."
Hindi siya makapaniwala na magiging bodyguard niya ito. Alam niya minanipula nito ang lahat.
" Hello, Logan. What happened? Why Travis replaced by Nikko?"
Agad niyang sabi nang sagutin nito ang tawag.
" Sorry, Lavin. Request lang ni Nikko bago siya tuluyang mag retired pag hawak ng baril."
" But Logan, I am okay with Travis. Very much okay. Hindi siya kailangan na palitan. Find another bodyguard for her sister."
Pilit niya muli sa pinsan na sana magbago ang isip nito.
" Sorry Lavin, I can't. He is one of the board. Binigay nang daddy niya ang share sa kanya. Hindi naman siya magtatagal na bodyguard mo, he doesn't need that job. Maybe, there is something between you two?"
Hindi na lang niya sinagot si Logan, at nagpaalam na bago nagpawala nang malakas na buntong hininga.
My God, araw araw niya makikita ang lalaki na gusto niyang iwasan. Sa dalawang pagkakataon na nakasama niya ito sa lovemaking sila napupunta. Kung lovemaking man iyon matatawag. It's lust and what happened to them is just plain s*x.
Walang dapat nang mamagitan sa kanila ni Nikko. Dapat boss at employee na lang ang ugnayan nila.
Kinabukasan
" Good morning Lavin."
Bati ni Nikko sa kanya, puting a t-shirt at maong pants ang suot nito. Umiling iling siya sa sarili upang alisin ang paghanga sa angkin nitong kagwapuhan.
" Miss Lavin ang tawag sa akin ni Travis."
Sabi niya dito at sumakay sa sasakyan na pinagbuksan nito. Yumukod ito muna sa kanya.
"I'm not Travis, and I prefer to call you Misis than Miss."
Sabi nito sabay sara ng pinto at umikot sa driver side.
" Ulitin mo nga sinabi mo?"
Tanong niya ng makasakay ito. Pero hindi ito nagsalita muli. Pina andar lang ang sasakyan at nagsimula na sila mag byahe.
Tiningnan niya ito ng masama ng magtama ang kanilang mga mata sa rearview mirror.
Pero balewala lang ito sa binata. Sumipol sipol pa ito na ikinainis niya lalo.
" Wish you a good day ahead, Love."
Sabi nito nang papasok na siya sa kanyang opisina. Nang panahon na si Travis ang nagbabantay sa kanya, sa lobby ito naghihintay.
" And you even call me by my name. Close ba tayo?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
" What do you want me to call you?"
Full of amusement ito habang nakatingin sa kanya. Wala nga itong bayad pero sulit na sulit naman sa ginagawa sa kanya.
" Call me Ma'am Lavin."
Tumaas ang gilid ng mga labi nito.
" Okay, Mom. Mommy Lavin. And call me Daddy."
Tumirik ang mga mata niya at tinalikuran ito. Mukhang hindi siya mananalo kay Nikko. Ang kailangan na lang umalis na ito bilang bodyguard niya.
" Hah, mabuti na lang pumayag ako mag weekend getaway outside the country."
Konsolasyon niya dahil me lakad siyang mag kakaibigan at mag pipinsan pa punta nang Thailand.
Lunch time pumasok ito sa kanyang opisina.
"Where do you want to eat, mum?"
Kinunutan niya ito ng noo dahil sa klase nang ngiti nito.
" Call me Lavin, and please lang wag kang ngumiti nang ganyan."
Sabi niya dito tumayo na siya matapos kunin ang kanyang handbag na nasa ibabaw nang kanyang desk.
Nakasunod ito sa kanya hanggang makalabas sila nang kanyang opisina. Ito ang nagpindot sa elevator at pinauna siya nitong pinasakay. Sila lang dalawa sa elevator pero pakiramdam niya ang sikip noon. Hindi siya makahinga.
" Are you okay?"
Tanong ni Nikko, nakahalukipkip ito na nakatingin sa kanya.
" Yeah, just don't look at me like that."
Inirapan niya ito. Pero nahuli na niya ang ngiti nito.
" Apektado ka ba sa mga tingin ko sa iyo?"
" Kailangan ba talagang itanong iyan? Matapos nang ginawa mo sa akin?"
Naniningkit ang mga mata na tanong niya dito.
" Correction, Love. Ginawa natin."
Madiin nitong sabi sa kanya. Bumuga siya nang hangin at hindi ito hinintay nang bumukas ang elevator. Nagmamadali siyang lumabas.
Pero sadya yatang mahahaba ang binti nito at agad itong naka agapay sa kanya. Pinagbuksan siya nito nang sasakyan at walang imik na pumasok sa driver side at nag maniobra paalis sa building na kanilang pag aari.
Hindi naman nagtagal at nakarating sila sa usual niyang kina kainan. Marahil inalam na din nito iyon.