" My God ate Lav. Ano ang pumasok sa isip mo at lumabas ka mag isa?" Nakapameywang ito sa kanya habang pinapagalitan siya. Naupo siya sa sofa sa opisina niya na ito muna ang gumagamit. " Tinawag mo pa akong ate, kung maka sermon ka tinalo mo pa si mommy." Sabi niya at pumikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa headrest. " Are you okay? Masakit ba ang tiyan mo?" Tanong ni Terry at nilapitan siya, hinawakan ang kanyang tiyan kung humihilab. " Ito ang masakit, Terry." Sabay hawak sa kanyang dibdib sa tapat nang puso. Kunot noo naman ang kapatid niya sa kanya. " I saw Nikko." Sabi niya dito na malungkot. " What?!" Gulat na tanong ni, Terry, na hindi makapaniwala. " Pero hindi niya ako maalala." Sumbong niya sa kapatid na hindi maitago ang sama nang loob. Nag aalala iyong yumakap

