Chapter Sixteen

1053 Words
Dumating ang araw na pinapangako niya sa lahat. Mula pa pagmulat nang kanyang mga mata hindi niya mapigilan ang mga ngiti sa mga labi. Lahat nang masalubong niyang mga kasambahay ay binati niya nang magandang umaga. Pakiramdam niya napaka ganda nang umaga at naglalakad siya sa alapaap. " Happy birthday, Lav." Salubong sa kanya nang mga magulang pagpasok niya sa dining area para sa breakfast. " Thank you so much, mommy. Thank you, Dad." Humalik siya sa mga magulang. Pero bago pa siya maka upo sa silya para sa kanya ay bigla na lang merong yumakap sa kanya mula sa likod. " Guess who?" Binago pa nito ang boses pero tinawanan lang niya ito at humarap dito. " Ikaw lang ang gumagawa niyan sa akin, Terry." Niyakap niya ang kapatid.At pinanggigilan na guluhin ang natural na alon alon nitong buhok. " I miss you,bunso." Lumingon siya sa mga magulang, habang naka akbay sa bunsong kapatid. " Hmm, you two look both so happy akala ko dahil sa birthday ko iyon pala dahil umuwi na si Terry." Nagkunwari siyang malungkot, pero tinawanan lang siya nang mga magulang. " Hindi ka pa din nag babago Ate Lavin. Always jealous sa akin. Hindi ko kasalanan na ako ang pinaka cute sa ating tatlo. Pinaka matalino at paborito nang lahat." Malaki ang ngisi nito at tumabi sa mga magulang. " I slept beside them, ate Lav." Tumaas taas pa ang kilay nito na para bang iniinggit siya. " Iyan ang pa birthday mo sa akin, bunso?" Sinakyan naman niya ito nang aktong nagtatampo. " Is everything ready for your party, Lavin?" Pag putol naman nang kanyang ama sa kanilang pag kukulitan. " Yes dad, sa island natin sa saranggani. I invited only a few of my friends." " Good! Still don't trust anyone except your bodyguard. And for you Terry I will ask Logan to give you a bodyguard as soon as possible." " Dad, ayaw ko nang bodyguard." Agad nitong reklamo at sumimangot. " Terry, you must! Ayaw kong may mapahamak kahit isa sa inyo." Madiin na sabi nang kanilang ina. Hindi naman nagsalita si Terry. " Don't worry Terry, you will get used to it." Pag alo niya sa kapatid, nagpawala lang ito nang buntong hininga tanda nang pag suko. " So what's the plan ate Lav?" Sabi nang kapatid habang sila ay kumakain. " We all go there via yacht, it's Nikko's yacht by the way." Sumulyap siya sa mga magulang na parehong napatingin ito sa kanya. Kaya napatawa siya nang mahina. " Boyfriend mo ba siya?" Agad na tanong nang kanyang ama. " No, dad. Not yet." Sumilay ang mga ngiti niya sa labi. " Not yet?" Naguguluhan naman na tanong nang kanyang ina. " Oh my, ate Lav. Mag bo boyfriend ka na?" Namimilog ang mga mata na tanong nang kanyang bunsong kapatid. " Nasa tamang edad ka na Lavin. Wala kaming gusto nang mommy mo kundi ang maging masaya kayo. Though part of being in love is pain and tears, still I hope you made the right choice kung sino man ang pinili mo." Sabi nang kanyang ama na halata niya ang lungkot. " Why you look so sad, daddy. Parang gusto mong umiyak?" Biro niya dahil hindi maitago nang ama ang lungkot. " Time flies, parang kailan lang itinago ka pa sa akin nang mommy mo." " Terence!" Agad naman na sabi nang kanyang ina na nakapag pahalakhak sa kanila ni Terry. " Sorry, sweetheart." Agad naman sabi ng kanilang ama. " Kilalanin mo muna Lavin, and please wag ka muna mag aasawa." Sabi naman nang kanyang ina. " Yes, mommy." Pahapyaw lang niyang sinabi ang panliligaw ni Nikko at balak nitong sagutin ngayong araw sa kanyang birthday. Kaya nang sumapit na ang oras para pumunta sa port ay nagmamadali siyang lumabas. " Sumabay ka na lang kay Sean, Terry." Bilin niya sa kapatid na nasa sala at katabi nang mga magulang na nanood nang tv. " Si Nikko ba ang sundo mo? I want to see him first." Tumayo si Terry pero sinansala niya. " No, he's busy preparing the yacht party. Mamayang gabi na lang kita ipapakilala sa kanya." " Lavin, you cannot go out alone." Agad na sabi nang ama. " Dad, Nikko asked Travis to fetch me. At nasa labas na siya. Don't worry." Kumaway siya sa mga magulang at nagmamadali siyang lumabas nang bahay. " Hey, Travis. Long time no see. Umitim ka yata." Bati niya sa dating bodyguard na naghihintay sa kanya na nakasandal sa sasakyan. " Happy birthday, Miss Lavin." Bati nito at may inabot sa kanyang isang long stem na American red rose. " Thank you, Travis." Kinunutan niya ito nang noo. " Ilang buwan lang tayong hindi nagkasama, nagbago ka na." Para naman clueless ang kaharap sa kanyang sinabi. " You used to call me, Miss Lara. Nakalimutan mo na?" Nakangiti niyang sabi, tinitigan siya ni Travis sa mga nakangiti niyang labi. " Lavin suits you well." Seryoso nitong sabi na hindi na lang niya pinansin na naging iba ito. " Let's go, Travis." Yaya niya dito at siya na ang nagbukas nang kotse at sumakay. Hindi ito nagsalita habang nagmamaneho. "How are you Travis with your new client." Pag basag niya sa katahimikan, hindi ito lumilingon sa kanya nang sumagot. " It's okay, but not the same when I'm working with you." Hindi siya nagsalita, alam niya komportable na din ito sa kanya. Pero dahil sa impluwensiya ni Nikko, kaya ito napalitan. " Looks like Nikko gets what he wants." Komento nito at napansin niya ang pag ismid nito. Hindi naman siya nagsalita dahil totoo ang paratang nito. Inamoy amoy na lang niya ang binigay nitong bulaklak. " Amm, thank you again for this Travis." Sabi niya pero hindi ito sumagot, sinulyapan lang siya nito saglit. Hanggang unti unting nagdilim ang kanyang paningin. At hindi na niya narinig ang sinabi nito. " I'm not Travis, Lavinia." Kinuha nito ang cellphone sa bag nang dalaga at ini haggis sa labas nang sasakyan. Alam niya na me tracking device ito. Mabilis itong nag drive patungo sa deriksiyon na ito lang ang nakaka alam, habang sinusulyapan ang dalaga. Walang nakaka alam kung ano ang nasa isip nito. Ang masaya at pinaka hihintay nilang araw ni Nikko ay hindi nangyari ayon sa plano niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD