Chapter Eighteen

1037 Words
Dahan dahan nagmulat nang mga mata si Lavin. Iginala niya ang mga mata at sa isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa kanya. Agad siyang bumaba nang kama at lumapit sa pinto pero naka lock iyon. Malakas niyang kinalampag ang pintuan. " Travis, let me out!" Sigaw niya habang patuloy na hinahampas ang pinto. Hanggang makarinig siya nang mga yabag nang paa. Hindi nagtagal at bumukas ang pinto. " Travis, anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa binata na may bitbit na chocolate cake. " Happy birthday, Lavin." Sa halip sagot nito, pumasok ito sa loob at narinig niya ang muling pag lock nito sa pinto. "Make a wish and blow the candle." Muling sabi nito na tiningnan niya lang ang binata. "Travis please, I need to go home." Pakiusap niya dito, pero hindi siya nito pinansin. " I am sorry if they replaced you. I know where friends and.." " We're not friends and I don't want to be your friend Lavin." Putol nito sa kanyang sasabihin, maingat nitong inilapag ang cake sa bedside table. " Travis?!" Nagtataka siya sa inasal nito. Hindi ba niya ganun ka kilala ang kanyang bodyguard? " And I'm not Travis, Lavin." Lalong rumihestro sa kanyang mukha ang pagtataka. " Yes, you heard me. I'm not Travis." Biglang sinalakay siya nang matinding kaba.Hindi siya makapag salita nang sumandal ito sa dinding at ilagay ang mga kamay sa tapat nang dibdib habang nakatingin sa kanya. " Hindi ako nakikipag biruan, Travis." Nagawa niyang sabihin kahit na malakas ang kanyang kaba na kakaiba nga ang lalaki sa kakilala niyang Travis na matagal niyang nakasama. "Sa palagay mo nakikipag biruan ako?" Seryoso nitong sabi na nakatingin sa kanya. " W-who are you?" Tanong niya at napa atras siya nang maglakad ito palapit sa kanya.Hindi ito sumagot sa halip kinuha nito ang remote nang TV na nasa wall at ini on. Matapos I adjust ang volume ay lumabas ang kanyang mukha sa screen. Hanggang makita na lang niyang pinapanood ang sarili sa parang isang playlist. Mga kuha iyon sa kanya. " This is my favorite." Sabi nito habang nakapanood din sa TV. Noon naman nag play ang videos niya habang kumakanta sa high-end bar na madalas nilang puntahan. " Tell me who are you?" Malakas ang kaba na kanyang nadama. " This video made me do this." Sa halip sagot nito habang nasa screen nang TV ang mga mata. Ang alam niya huli niya itong punta sa bar. " I asked Drew na pa kantahin ka. But why you only have eyes on him, Lavin?" Tumalim ang mga mata nito at kumuyom ang mga kamao. Kita niya ang matindi nitong paninibugho. " It's okay for me to look at you from afar. At pa minsan minsan I replaced Travis bilang bodyguard mo. Dahil hindi mo naman napapansin. Things changed when he came into your life. Kung paanong kinuha niya ang parte ko bilang substitute bodyguard sa iyo. I am threatened he will take you away from me Lavin bago ka pa man maging akin!" At ganun na lang ang panlalaki nang kanyang mga mata sa sinabi nito. " I'm Tyler." Pakilala nito na tumaas ang mga sulok nang labi nang makita sa mukha niya ang takot. " I'm not going to hurt you, Lavin. Dinala kita at inilayo sa lalaki na iyon, for you to realize I can love you more than he does." Humakbang ito palapit sa kanya pero umatras siya. Hanggang mapa upo siya sa kama.Nagpawala ito nang buntung hininga at tumabi sa kanya sa kama. " Hindi mo man lang ako nahintay, Lavin. I'm only fixing myself from a traumatic experience. Travis convince me to treat myself bago ako magpakilala sa iyo. I'm almost done with my treatment, bakit mo siya pipiliin, maging boyfriend?" Akma siyang tatayo pero hinawakan nito ang kanyang mga kamay. " Ibalik mo na ako. I will forget this. Just bring me home." Pakiusap niya pero umiling ito. " No! Not until you love me too." Pangtanggi nito sa kanyang sinabi. This man is sick, at ayaw niyang magsalita nang masama na maka trigger dito upang siya ay saktan. " They might be worried. Pag nalaman nilang nawawala ako, they will do everything to find me. And you will be in trouble, T- Tyler." Sabi niya dito at agad na sumilay ang ngiti nito sa mga labi. " I like you calling my name, Lavin." " Just send me home, Tyler. Travis is a good friend of mine. Kakalimutan ko ito. Please, ibalik mo na ako sa amin." Pakiusap nito dito pero tumanggi ito at tumayo sa kama. " No, Lavin. You will stay here, hanggang matutonan mo akong mahalin." Tumulo ang kanyang luha, gusto sana niyang sabihin dito na imposible dahil si Nikko ang mahal niya. " You belong to me Lavin, not to Nikko." Sabi nito at muling rumihestro ang galit sa mukha nito. Matiim siya nitong tiningnan bago nagsalita. " I will not hurt you, Lavin. Wag kang mag alala. I just want you to notice me. Hindi lang si Nikko ang lalaki sa mundo. I am here, who is madly in love with you." Mad! And this is really madness! Gusto man niyang I sigaw dito pero hindi niya ginawa. Pinahid niya ang mga luha. Akala pa naman niya ito ang pinaka masaya niyang birthday. Ngayong araw niya sasagutin si Nikko. Ito ang unang pagkakataon niyang makipag relasyon. " I will call you after the table is set." Sabi nito at muling lumabas nang silid. Narinig niya ang muling pag lock niyon mula sa labas. " Oh God, what should I do?" Lumapit siya sa bintana, pero meron iyong rehas. Maraming puno siyang nakita. Marahil sa isang farm siya nito dinala. Wala man lang siyang makita na kabahayan. Paano siya makakauwi? Pinakalma niya ang sarili at nag isip. Dumaan na siya sa therapy noon dahil sa trauma. Pero iba ang sitwasyon ngayon, ang lalaki na kumuha sa kanya ay iba ang gusto. At hindi niya iyon maibibigay dito, dahil si Nikko ang laman nang kanyang puso. " Nikko, please come and save me." Mahina niyang usal habang nakatingin sa labas nang bintana na hindi niya alam kung saan na lugar siya nandun ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD