“MOM? Are you here with us?” Bigla akong nabalik sa reyalidad nang tawagin ako ng anak kong babae. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa aking binti at nagmumuni-muni sa nangyari sa akin noon habang si Lace naman ay iwinawagayway ang magkabila niyang kamay sa mukha ko. “W-What?” I asked her as I blinked my eyes twice. Katulad ko, tumaas lang ang kilay sa akin ng anak ko bago nito itinigil ang pagwagayway ng kan’yang mga kamay. Ipinagkrus nito ang kamay niya sa dibdib bago ako tinitigan nang maigi. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. Hindi ko na tuloy napigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kan’ya. Lace Nemesis Rutherford. That’s the name of the girl in front of me. She was wearing a white dress and white doll shoes. Naka twin-tail pa ang buhok nito habang nagpu-puppy

